Nakakalungkot lang na ginawang parang payday spot yang house of representatives na yan. Pero sa totoo lang mas maganda na maabolish na nga lang yan tapos kung merong crypto organization na bubuo ng standards sa bansa natin na NGO, mas okay siguro yung ganito kaso lang pagdating sa pondo, kailangan din nila yun. Madaming mga crypto millionaires sa bansa natin na puwedeng mag initiate niyan pero iwas din sa public appearance dahil nga sa kung anong meron sila baka ma hot seat din.
- Oo nga, sana nga magkaroon tayo ng presidente na iabolish na yang mga representative partylist na yan, ginagawa lang talaga nilang milking yang congress. Sa ngayon kasi talagang nalalantad ang mga lifestyle check ng mga karamihan na congress persons na meron tayo.
O di kaya sana kahit isang senador ang magbukas o propose nyan at gawing batas ang mga bagay na makakatulong sa mga crypto community na meron tayo ngayon sa bansa natin sa ngayon dahil tulad ng nabanggit mo ay madaming mga crypto milyonaire tayo na tahimik lang din naman talaga.
Takot din kasing mag open yang mga senador kasi sila naman ang titiradahin niyan. Kaya kahit may isang totoong honorable na gustong buwagin yan, natatakot gawin kasi malaki din ang mawawala. Ganito na talaga ang pulitika sa bansa natin at baka patay na tayo bago pa tayo makakita ng mga totoong public servants na may totoong puso na maglingkod sa mga kababayan nila. Hindi talaga maalis ang corruption pero sa panahon natin garapalan at bulag bulagan dahil sila sila lang din ang nakikinabang. May ganti din sa kanila tadhana.
- Alam mo sa totoo lang talagang nakakalungkot na meron tayong mga opisyales na mga buwaya talaga, hindi ko maiwasan na maikumpara sa former admin sa kasalukuyang admin, before yung admin partida nagkaroon pa ng pandemic nakita at napapakinabangan natin ngayon yung mga infrastructure build, build, build. At iba pa na ginawa na naramdaman din naman natin nabawasan yung mga adik dahil natakot sa drug war.
Sa kasalukuyang admin naman, naging lantad ang pagpromote ng mga sugal online, at nagsilantaran din yung mga influencers na kilala na magpromote ng gambling, oo sabihin na natin na yung ibang mga magsasaka nabibigyan ng mga lupa sa name nila, at mga pabahay okay yun, pero yung legacy na masasabing tatatak sa isipan ng mga pinoy wala, ultimo yung sinabi na ipagpapatuloy yung build, build, build, hindi na natin maramdaman. Tapos yung blockchain na usapin mas lalong hindi rin maramdaman, so parang malabo pa nga ata na magkaroon tayo ng maglalakas loob na magrepresent ng crypto sa congress.