- Kung sa bagay mas angkop nga yung " crypto scammer king" Grabe yung ganyang mga uri ng tao na hindi naman nila yan madadala sa hukay pero masyadong ganid sa pera o kayamanan. Makukulong siya habambuhay kung hindi mapapadulasan ang mga awtoridad at hahawak ng kaso nya.
Kaya lang alam mo naman dito sa bansa natin kadalasan kung sino pa yung nakaupo sa awtoridad ay sila pa yung madalas na nadadaan sa bribe, in short, kung sino yung madaming pera sila yung naaabswelto kahit pa sabihin natin na kitang-kitang naman na malakas ang ebidensya ay magagawa nilang mapawala yung malakas na ebidensya at ang laging kawawa ay yung mga taong walang pera kahit walang kasalanan sila yung nakukulong pa ng matagal na panahon.