Iba kasi yung pagkakasabi ni Op na parang sapat na yung MA lang ang alam mo para makapagsimula ka ng magtrade. Malulusaw lang kasi yung pera ng mga baguhan sa trading kung gagawin nila yan. Concern lang din ako sa kanila kasi alam ko marami dyan mahirap lamang, sayang yung perang pinagpaguran nila nauubos lang agad. Pero wala naman akong problema sa Op, yung totoo nagpapasalamat nga ako dahil nagpost sya nito.
Parang wala naman akong nabasa sa post ko na sinabi ko yang word na "SAPAT na yang MA" kung irereview mong mabuti yung mga post ko kabayan, pero pagbibigyan kita sa pagkakaintindi mo na yan for the sake of the arguments, In my own personal na karanasan, it may not be a 100% na makapagbigay nga talaga ng profit sa akin yang MA, pero mas mataas parin ang percentage na makakuha ako ng profit dyan.
Pano ko nasabi? dahil sa magkakaiba naman tayo ng analysis na ginagawa sa trading dito sa bagay na ito nakasalalay yung earnings na makukuha natin sa trading gamit ang isang strategy let say nga itong MA, makakakuha ako ng profit dyan pero it will take 3-5 days or onwards basta yung analysis na gagawin natin ay closed dun sa mangyayari sa direction ng price, dahil kahit tama naman yung paggamit natin ng strategy kung mali naman yung analysis na ginawa natin ay useless din yung strategy, kaya nga ang labanan sa trading patience at self-control. Ang hindi ko lang kasi maintindihan sa mga sinasabi mo ay bakit hindi ka nagpoprogress gayong may idea ka naman sa mga strategies sa trading.
Saka bakit hindi ka rin magbahagi ng nalalaman mo sa trading tutorial kabayan, katulad ng ginagawa ko dito, para nagkakabigayan tayo ng mga kaalaman sa ibang kababayan natin dito. Sa nakikita ko naman sayo mukhang mas madami kapang nalalaman kesa sa akin kasi ako basic lang naman ang nalalaman ko at yung basic na yun ay gusto kung ibahagi dito kahit papaano. Siympre gusto ko rin naman matuto yung ibang kasama natin dito na hindi pa sapat yung nalalaman sa trading strategies.