Yan lang naman yung point ko kabayan, na mananalo ka nga strategy na yan pero malulusaw yung pera mo in the long run kasi napakaliit ng win rate kung wala kang confluence sa MA. Wala naman sigurong masama dyan,totoo naman yung sinasabi ko kasi walang profitable trader na MA lang alam. At sinabi ko na malaki ang chance na matatalo sya kung sideways or ranging yung market, lalo na kung inaanticipate mo lang yung confirmation.

Kung ganyan ang nangyayari sa market paano natin yan ihahandle kung MA lang alam natin. Kung may entry tayo lahat dyan pagkatapos magcross, siguradong mas marami talo mo. Siyempre, hindi rin natin alam na sideways pala ang galaw ng market.
Anong sabi mo kung ranging yung market malaki ang chances na matatalo lang tayo? matatalo ka kung pabaya ka, kahit pa nasa consolidation ang market at kung tama yung analysis mo hindi ka matatalo gamit yung MA, ngayon kung mali naman yung analysis mo gamit ang MA ay malulusaw talaga yung fund mo dahil mali yung basa mo sa chart.
Ngayon, tungkol dyan sa ilustration chart na pinakita mo na nasa Ranging period siya, hindi ibig sabihin nyan wala ng cross na mangyayari, kita naman natin na ilang confluence yung nangyari sa sideways na larawang binigay mo sa loob ng isang ranging din, merong nangyayari na up and downtrend parin so meaning makakakuha kapa rin ng profit sa loob ng ranging market gamit ang MA. Hindi ako naniniwala na sa huli matatalo kapa rin, tulad ng sinabi ko kung pabaya ka matatalo ka talaga. Kaya nga kung gagamitin mo itong MA, make sure sa sarili natin na alam mo kung ano yung ginagawa mo, dahil kung hindi ay malulusaw talaga ang funds mo.
Dito sa larawan na pinost mo ilang sideways ba ang nangyari sa loob ng ranging na yan? ayan binilugan ko na para nakikita din ng mga ka lokal natin dito para maintindihan nila kahit pano yung argumento na ating pinag-uusapan dito.

Bakit mo pinaglalaban yan kabayan, napakalinaw naman ng pinopoint ko na
walang makakasurvive sa market kung MA lang alam ng isang trader. Ang sinasabi ko kasi ay kapag wala kang
confluence dyan sa MA hindi talaga sya magwowork lalo na yung pinakita ko na chart.
Ano-ano ba ang pwedeng i-confluence?
Candlestick reading, SnR, ibang indicators, at tsaka yung analysis na sinasabi mo ay maaring confluence rin sa MA.
Yung sinasabi mong "hindi matatalo kapag hindi ka
pabaya,"
Medyo nalilito rin ako dyan kasi in the first place sumunod ka lang sa strategy mo, kung lagyan mo yan ng stop loss at take profit, pwede mo naman yang iwan kahit matulog ka o mamasyal, once na mahit ang isa dyan automatic magclose ang position mo.
Nasubukan mo na bang gamitin ang MA sa trading ng walang confluence?