Matagal na trader na yan si gunhell at nabahagi na niya yung mga napundar niya sa various sources niya sa crypto lalong lalo na sa trading. Kaya yung mga ganyang experiences na shinashare niya at hindi siya madamot, kaabang abang talaga yan. Kasi bukod sa experience, hindi na natin kailangan pa ng test and trial dahil siya na gumawa nun. Pero sa personal experiences naman natin, doon tayo magkakatalo kung paano ba natin i-execute yung mga strategies na shinare at isheshare niya palang.
I agree with na matagal na trader si gunhell, at isa ako sa nagpapasalamat sa ginawa nyang mga post. Pero kahit matagal na sya sa trading at gumagana sa kanya yung mga strategies na ibinibigay nya sa atin ay kailangan pa rin natin itong i-backtest. Kahit si gunhell siguro inirerekomenda rin nya na i-backtest ito. At gaya na rin ng sinabi mo na magkaiba tayo kung paano natin i-execute sa market ang strategies. Ibig sabihin lamang nito na hindi lahat ng gumagamit sa nasabing strategies ay profitable lahat, meron ding hindi, kaya kinakailangan talaga i-backtest.
Kailangan talaga niyan kabayan i-back test o kung anomang uri ng testing para angkop din sa style ng pagtetrade natin. Ang dami ko na ding mga nababasa na magagaling lang kapag bull run at iba pa rin talaga na kahit bear market ay nandiyan at nagpapatuloy. Ingat din pala sa mga influencer na magsisilabasan ngayong bull run dahil ganyan lagi ang technique nila at hindi sila nagpapabaya tuwing cycle dahil madaming mga mabibiktima.
Bukas ako magpopost ng sinasabi ko sa Fibo tutorial, kumbinasyon ito ng dalawang set-up sa Fibo-ret, yung isa pang correction at yung isa naman pangdetermine ng trend, medyo mahaba-habang editing ito hahaha, anak ng patola yan..
Saka yung mga tinuturo ko naman pwede nio naman yan munang iapply sa demo tapos obserbahan nio yung execution kung pano ito gamitin sang-ayon sa mga sinabi ko. Guidelines lang itong tutorial na sinasabi ko. Saka itong gagawin ko na tutorial bukas ginagamit ko talaga ito hanggang ngayon, magkakaiba lang talaga tayo sa execution, dun talaga nagkakatalo. Nga pala san nio ba mas feel na iexecute ko yung strategy na ituturo ko, sa BTC? ETH? O BNB?
Ngayon, speaking of mga influencers may mga nagsusulputan na namang mga feeling experts sa trading dahil nga nagrally si bitcoin ang mga tang-inumin juice na yan hehe, sinimulan na nga ni Marvin scammer este favis pala feeling magaling na naman yung ugok. Sarap hampasin ng monitor ng desktop sa pagmumukha eh... hehe