- Pano nila ipapaban yung mga online apps sa playstore kung yung pagban ng gobyerno natin sa Pogo ay isang palabas lang. Obviously naman na nagsinungaling ang Presidente na sinabi nyang pinaban nya, dahil naban lang yung name ng POGO, pero yung mga legal casino na sumusunod sa regulation under the government ay yun parin naman at pinalitan lang yung name ng POGO.
Saka may mga nageexist pang mga POGO sa cavite napanuod ko sa balita kay TED FAILON sa programa nyang "WHAT DO U THINK", tapos lantaran pa yung mga pagpromote ng mga Casino na makikita pa nga sa Bilboard kasama sa endorser ng casino si Ivana at iba pang social influencers. Kaya yang kay Binance malamang posible pa nga talagang makabalik yan "If the price is right" ata sa SEC.
Sa totoo lang, madami na akong nabasa diyan tungkol sa Cavite na parang isla ang POGO diyan pero balewala lang yan dahil malakas ang backer niyan, dalawang taga Cavite na ang secretary ng dalawang ahensya. Kaya yung pagtake ng POGO ay pagtake ng competition sa totoong laban nila dun.
Kahit ayaw nilang ipaban ang mga yun sa kadahilanang mawawalan sila ng kita ay hindi pa rin nito mapipigilan ang SEC kung gugustuhin nila. Pwede nilang parusahan ang mga platform na ayaw sumunod sa kanilang mga utos. Kaya lang hanggang ngayon parang wala silang ginawa eh, parang hindi talaga sila seryoso. Kung tunay na may mabigat na dahilan ang SEC magagawan talaga nila yan ng paraan nasa kanila kasi ang batas.
Yan nga kabayan pero parang may kinikilingan yan sila. Ang hirap ng gobyerno na pansariling kapakanan ng mga nakaupo ang iniisip at hindi ng taumbayan, sobrang daming issue sa mga desisyong pinaggagawa nila.
- In my personal opinion, meron talaga silang kinikilingan, pano ko nasabi? yung Pogo sa bamban tarlac nagawa nga nilang magraid ng walang anuman na permisong hiningi sila sa nangangasiwa dun, diba? ginulat nga nila surprise raid talaga yung nagyari.
Tapos itong Pogo sa cavite nung ininterview sa mainstream yung head chief na nangraid sa Bamban Tarlac, abay sinabi hinihintay paraw nila yung response ng management dun sa POGO dun sa cavite sa gagawin nilang raid. Imagine, nagpapaalam sila na magreraid sila sa POGO ng cavite, samantalang sa Bamban Tarlac kahit walang permiso niraid parin nila, in short, selective sila,.. kaya yung nangyari na yan sa Binance pinag-initan lang talaga nila yan kasi yan ang malakas at mapera. Kaya ngayon after ng Binance ang pumalit na malakas ay OKX at BITGET.