Nasubukan ko na ang Gcash at Maya. Ang unang ginamit ko talaga na e-wallet ay ang Maya dahil nagandahan ako sa feature nila, yung kulay ng card nila ang ganda, napaka-premium tingnan. Pero nagsimula ang pagkadismaya ko sa Maya noong naubos ko ang laman ng wallet ko, hindi ko na ma-access yung card ko, nakablock na sya. Hindi ko alam ko yun ba talaga ang dahilan kasi wala naman akong ginawa eh, nagwithdraw lang. At may nagsabi din sakin the same issue sa maya. May nagrecommend naman sakin na gumamit ng Gcash dahil wala daw magiging problema sa card nila kahit ubusin mo lahat ng funds, sinubukan ko naman at yun hindi nga nablock, ilang taon ko na itong ginagamit at gumagana pa rin.
Marami talagang gumagamit sa Gcash kumpara sa Maya, kaya ganun nalang din karami ang mga scammers. As long as secured ang system ng Gcash ay wala tayong magiging problema, huwag lang natin ilagay lahat ng funds natin dito.