Pagdating sa features, malamang mas angat ang Gcash pero ang tanong ay kung kailangan mo ba o magagamit mo ba lahat yun? Sa sobrang dami minsan ay ang bagal na loading ng app lalo na kung mobile data gamit tapos hindi gaano kalakasan ang signal. Badtrip pa kapag inabutan ka ng mandatory update 
Okay din naman sa akin si Maya. Main problem lang ay yung crypto app nila na may limited function tapos yung padami ng dami nilang convenience fee kada transaction.
Hindi naman laggy si gcash sakin ok lang naman pero dun sa luma kong samsung dun talaga lag chaka pag naka enable pa ang developers option hindi gumagana ang gcash may warning na may naghahack o policy na lumalabas pag naka enable ang developers option.
Hindi ko masyadong ginagamit ang maya kaya hindi ko alam yung mga conveniece fee nya sa crypto pero wala naman bayad yung trading nila sa app ah?
O bingayo na ngayon?
Ang wala lang sa maya walang sugal na parehas sa gcash glife kahit anong sugal wala sa maya kaya para tuloy mas safe pa gamitin si maya dahil mas maraming sugal at offer na insurance dun mismo kay gcash chaka yung meron sa gcash na protect transaction at may bayad pa para tuloy sinasabi nila na hndi safe yung mga transaction pag gamit ang gcash.
Dapat hindi na nila dinagdag yun dahil nasa tao na lang talaga ang mistake kung isesend nila sa maling number. Ang dapat nilang gawin sa mga ganito e yung may dispute option sila at pwede muna nilang ilock funds kung saan naisend yung pera para kung sakaling may mag report na nag kamali pwedeng mag request ang user na ireverse ang transaction pero ano ginagawa nila may bayad pa ang protection or insurance.
Pero kahit ganon paman gcash talaga usually ginagamit ng mga tao kaya wala na tayong magagawa chaka proven na rin na mas matagal na ang gcash kaysa sa maya. Baka nga sa susunod may kalaban na silang bagong alternative tulad ng mga features nila.