Di naman ako nawalan ng pera sa paggamit ko sa dalawang sikat na payment portals na Gcash at Maya pero nung nakaraang buwan ang account ko sa Gcash ay di na ma-open...everytime na pinapasok ko ang OTP ang sabi ng app ay: WE ARE WORKING ON IT...sadly until now di pa nila natapos ang problema. Wala na akong planong gumamit pa ng Gcash at nasa Maya na ako since halos pareho rin naman ang mga features nila except for the Customer Service...ang Maya may live na customer service pwede mo kausapin while ang Gcash bot lang ang kanila at may mga issues na di kaya iresolba ng bots kaya masisira lang ang araw mo.
Ako so far wala naman akong nagiging problema sa gcash, siguro dahil meron akong mga active loan sa kanila hehehe, saka wala din naman akong kiniklik na any link, at kung sakali man na merong magtext sa gcash no. ko na nanalo daw ako sa isang gambling online ay hindi ako nagaattemp na iopen ito bagkus blocked agad then delete.
Although, nakakaumay din dahil ganun palagi yung ginagawa ko pero ayos narin basta huwag lang makompromiso yung account ko sa gcash, mga taon narin na ginagamit ko ito, nagtataka lang ako bakit ganun ang sinasabi ng gcash sayo dude gayong tama naman for sure yung otp mo diba?