Sa nangyari na yan, dalawa lang ang pwedeng patunguhan ng batang yan, una piliin nya na magbago siya o ituloy nya yung pagiging scammer nya. Dahil naging trending na yang batang yan sa social media platform, reddit, even in the mainstream media international ay yung kahihiyan kumalat na sa buong mundo.
Ngayon yung epekto nyan siyempre yung mga kaibigan nyang bata na yan, maging yung ibang mga relatives nila, pwedeng kinakahiya na siya, or pwede rin naman inuunawa parin siya, pero yung tiwala hindi na 100% yun for sure. Siyempre iisipin pag-usaping pera hindi na nila pagtitiwalaan yang bata na yan, ang worst pa nito yung backfire ng ginawa ng bata ay yung magulang nya sira din sa mga kaibigan at kakilala nila. Tapos yung mga klasmayte at mga school mate nya hindi narin magtitiwala sa kanya.
Samakatuwid, dahil ganito na yung pwedeng maging tingin ng tao sa kanya, pwedeng panindigan nalang ng batang yan ang pagiging scammer in the future kasi ganun na ang magiging tingin sa kanya. yung edad nya masasabi nating bata pa talaga siya pero yung utak nya alam na nya yung tama at mali, tatlong beses nga nyang ginawa eh, so ibig sabihin wala siyang pakialam kung ano sabihin ng iba na masama basta ang sa isipan nya meron akong pera. At yun ang nakakalungkot talaga na kung saan bata palang napasukan na agad ng kasakiman yung kaisipan at sa tingin ko gagawa at gagawa parin yan ng mga meme coin sa pump.fun o sa ibang platform na may hawig sa Pump.fun.