Ano sa tingin mo ang maaaring mga kaganapan sa industriya ng cryptocurrency sa Pilipinas sa taong 2025? Sa ganang akin, mas lalo pang dadami ang mga taong gustong pumasok sa mundong ating ginagalawan...lalo na't marami ding Pinoy ang kumita sa mga airdrops sa 2024 at nasa isip natin na baka mas marami pang makuha natin sa susunod na taon.
Sa ating gobyerno, parang wala pa akong nakikitang mga pagbabago dito in terms of regulations and new laws enacted para sa cryptocurrency industry pero baka mas magkaroon ng interes ang ating gobyerno sa pag-tax sa mga transactions para naman kumita ang BIR sa atin pero wala pa tayo sa level sa ibang bansa na sobra ng strikto sa pagpapatupad ng mga batas nila.
Sa wish side ko naman sana makabalik na officially ang Binance dito sa bansa legally at sana matutukan na ng ating gobyerno paano natin magamit ang blockchain technology para sa ating ekonomiya.
Ikaw, ano ang nasa isip mo tungkol sa 2025 na may ugnayan sa ating industriyang ginagalawan?