Hindi interesado sa technological innovation lalo na sa crypto ang mga pulitiko kasi kaban ng bayan sapat na sa kanila ng hindi pinagpapawisan maistress lang sila sa crypto kaya malabo pa talaga yan sa ngayon not unless may isang reputable na investor ang mag-endorse na bigyan ng pansin itong potential ng Bitcoin at crypto in general. Busy pa mga buwaya ngayon dahil sa papalapit na eleksyon.
Hindi ko na pinapanood yung mga 'in aid of legislation election' hearings nila pero may nakita ako konti tungkol sa facebook at yung paghingi nila ng parang terms and conditions mula mismo sa mga representative ng Meta. Sinagot lang ng andun na sa website lahat
Kita mo gaano katamad o mga feeling importante ang mga pulitikong ito. FB pa lang yan ah na hindi naman ganun ka-kumplikado, paano pa kaya kung usaping crypto na.
nasanay na lang rin ata ang mga pilipino sa bare minimum kita naman na tuwing eleksyon lang maingay ang mga politiko na ito pero pagkatapos manalo ay wala na rin ulit tayong maririnig sakanila pero nanalo parin dahil sikat naman ang pangalan at pamilyar na ang tao
nakakafrustrate ang mga kandidatong tumatakbo bawat eleksyon parang wala bang bago silang naihahaain lagi na lang puro pangako ng paaral, trabaho at pagkain pero wala namang specific program na nasasabi kumbaga halata mong tumatakbo lang ang mga ito para manalo at hindi para baguhin ang bansa
kailangan natin ng bago, nga mga innovators at progressive candidates sana magkaroon rin tayo
- Sana nga marunong na talagang bumoto ng tama ang mga karamihan na pinoy ngayon, kasi sa ilang dekada masakit man tanggapin ang dami ding mga stupidong mga bobotante, iniisip lang nila kanilang mga sarili, hindi naiisip yung maapektuhan ng maling pagboto ng candidate ay yung mga anak at apo ang maapektuhan.
Kagaya nalang ng mga nangyayari ngayon, nakita naman natin yung sa ginawa sa philhelt fund, yung sa edukasyon hindi mas napriority kundi mas inuna na mas malaki ang budget ay sa DPWH kessa sa EDUCATION, kitang-kita natin na sa DPWH ito yung pagnanakawan ng mga kawatan na buwayang crocgressmen na mauupo, Kaya sana huwag ng iboto ang buwayang congressmen na reelectionist kasi mga salot sila sa gobyerno natin at mga kawatan talaga.