Na feature yan sa Bitpinas kabayan dahil bago palang siguro yan. Lahat ng mga bago sa crypto lalo na yung mga malalaking balita ay gagawan nila ng content. Kaya lang, ang napapansin ko sa Bitpinas, kapag may bagong balita o nadiskubrehan sila dito sa bansa natin na related sa cryptocurrency, gagawan agad nila yan ng content which is para sakin napakahusay ng kanilang ginagawa. Isa kasi itong paraan upang madagdagan ang exposure ng crypto dito sa Bansa natin.
Nakita ko nga din yung article ng Bitpinas ayon sa kanila mayron na sila 2 million users sa 243 countries at ang concentration ng kanilang growth ay ang Pilipinas, ok ito ibig sabihin makakaasa tayo ng magandang serbisyon sa P2P exchange na ito.
At malamang ito ang maging preferred ng mga kababayan, ito ang magiging mahigpit na kalaban ng Coins.ph at mga iba pang exchange sa bayan natin.
Hindi ako sigurado kung masasabi ba talaga nating mahigpit itong kalaban ng Coinsph dahil P2P exchange kasi ang pinag-uusapan. Hindi ko rin alam kung may P2P ba sila kasi dati wala eh tapos ang tataas pa ng slippage. Para sakin, pwede natin itong maikukumpara sa Bitget, Okx, at Bybit in the future kung patuloy ang pagdami ng kanilang mga users. Pero natutuwa akong malaman na marami pala talagang pilipino ang gumagamit nyan.
Tingnan ko kahit na marami sa tin dito na medyo hindi na nagagandahan as serbisyo ng Coins.ph, still number 1 parin sila sa Pilipinas kasi nga nauna sila. At parang crypto market din, kung sino ang prime mover eh sya ang nangunguna.
Pero maganda narin na malamang marami na silang competitor hindi katulad dati, at katulad nga nitong Noones.
Baka unti unti rin silang makikita nga mga Pinoy na magandang alternatives sa Coins.ph at sa mga ibang non local exchanges na ginagamit natin.