Nakakapagtaka lang kung bakit exclusive lang talaga sa mga residente ng Bulacan ang makakatanggap. Eh yung worldcoin familair ako nyan kasi may kakilala ako na naggagrind nyan. And now, already listed na sa mga exchanges so I don't think na nagpapa-airdrop pa talaga ang worldcoin tapos sa iisang Bayan lang talaga. Normally kasi kapag nalist na ang isang token ay hindi na sila magpapa-airdrop, kung mayroon man ay hindi na ito gaanong kalaki ang makukuha, at tsaka kapag nagpa-airdrop ang isang project usually ang kapalit nyan exposure so hindi sila namimili ng mga lugar. Kaya duda ako na may kababalaghan silang ginagawa dyan sa Bulacan.