Sana nga mabasa ng mga iba pa nating mga kababayan na naghahanap ng mga informative threads at mga discussions. Dumadami na talaga mga pinoy na pumapasok sa crypto at tingin ko kahit mag bear market, mas madami ng open sa idea na buy the dip dahil nga sa mga nagdaan na cycle. Mabilis din matuto mga kababayan natin at ito yung maganda na lumalawak na ang space ng crypto sa bansa natin.
ang mga pilipino pa naman medyo vulnerable sa mga scams dahil sa dami ng kumakalat na minsinformation pati na rin sa bilis nating maniwala sa mga misinformation marami akong kilala na tingin parin sa crypto ay isang pyramid scheme o scam kaya madami sakanila ang ayaw sumubok ng crypto
hopefully mas kumalat pa ang crypto at magamit din ito ng gobyerno para naman mas umangat lalo ang ekonomiya natin
Totoo, kaya nagpapasalamat tayo dahil may ganitong mga forum na kung saan matutulongan tayo sa mga bagay na hindi tayo sigurado. Dahil crypto related ang forum na ito, lahat ng mga katanungan natin sa crypto ay posibleng masagot ng mga kababayan o mga users dito. Alam naman natin may mga tao na pinababayaran yung knowledge about crypto, pero dito libre mo lang makuha. Kaya pasalamat ako dahil nagkaroon ako ng maraming kaalaman sa crypto ng walang bayad dahil dito.
- In that point, no doubt naman ako dyan sa sinasabi mo mate, totoo naman yan, lalo pa't kahit papaano kilala at pamilyar naman na sa atin kung sino yung mga aktibo talaga sa platform na ito regarding sa ganitong mga paksain na ating tinatalakay.
Lahat naman tayo ay nagkakatulungan naman sa isa't-isa, at nagkakabigayan din nga kani-kaniyang kuro-kuro sa ibang mga bagay-bagay din, kung kaya naman ay ipagpatuloy lang din natin yung mga nakakasanayan narin nating ginagawa dito, diba?