Ang PI network ay isang uri blockchain project na kung saan makakapagmina ka ng coin nila gamit lamang ang cp mo.
Matagal na project na ito, almost 6 years na.
Isa ako sa mga early adopters nito pero huminto ako dahil sa mga promises na napapako.
(Note: Matagal ko nang nabenta yung PI ko sa fb ng napakababang halaga.)
Nung Feb 20, listed ito sa iba't- ibang exchanges excluding Bybit and Binance na may kasalukuyang presyo na $1.79
Dahil dyan, maraming mga old users ng PI na bumalik upang i-withdraw yung mga PI nila na pinaghirapan nila noon. Kaya lang marami sa mga ito ang nagkaroon ng problema sa pagwithdraw.
Syempre, dahil gusto nating matulungan sila ginawa ko itong thread na ito dahil baka sakaling may mga PI users dito na nasolusyonan nila ang mga problemang dinanas ng ibang PI users ngayon.
May mga PI users din kasi na kahit hindi member ng forum na ito ay naghahanap ng kasagutan sa kanilang problema.
Para sa akin isa din itong paraan upang malaman nila na hindi lang fb at twitter ang kanilang takbuhan kung may mga concerns sila sa isang crypto projects, pwede rin pala sa forum na ito.
Kadalasang problema:
No KYC slot
Tentative Approval of KYC
Unverified Balance