- Mukhang nababawasan na yung hyped ngayon sa Pi dahil sa nangyayaring pagbagsak ng price nito now sa merkado, at malamang kapag nagkaroon ng konting pag-angat ng price nito sa merkado ay parang mabubuhayan na naman ng loob yung mga pi holders nito na parang punong-puno na naman ng pag-asa.
Kaya natatawan nalang ako sa ibang mga vloggers na pinoy na gumagawa ng content sa youtube na parang pinalalakas nalang nila yung loob nila, siguro ganun talaga yung belief nila na sana nga ay tama sila sa mga sinasabi nila, kaya lang kung minsan mapapaisip karin kasi dahil sila din mismo gumagawa ng dahilan para mapag-isipan ng hindi maganda yung Pi dahil sa ibang bagay na binabanggit nila na hindi rin kasi makatotohanan. Pero pagnagdrop ng 0.005$ pababa I am pretty sure baka dyan palang ako bibili ng Pi.