hehe romance scam pala tawag sa ganun ngayon ko lang nalaman nice thread kabayan
May matandang babae kaming kapitbahay na paniwalang-paniwala sa sinasabi sa kanya ng lover nya online. Hiningan ng pera at bigay ng bigay nung nangakong puntahan dito sa Pilipinas. Kapag tumanda talaga na walang kasama sa buhay parang madaling mapaniwala.
Natauhan rin siya sa bandang huli. Ireport nya pa sa baranggay ang facebook profile kaya pinagsabihan na huwag magpapaniwala sa online boyfriend.
Sadyang may mga ganyang mga tao talaga, lalo na kung ang mindset nila ay aasenso sila sa Afam, ang ganyang mga galawan ay masasabi ko na desperate moved talaga, kaya sila napagsasamantalahan dahil sa pagiging gullible nila.
Mas naging hi-tech pa nga ngaun yung mga tools na ginagamit ng mga scammer o budolerong tao, hindi ko naman nilalahat ng mga afam ay ganun ang karakter kundi sa totoo lang meron din naman kasi na ibang mga pinay na scammer din sa mga afam.