May matandang babae kaming kapitbahay na paniwalang-paniwala sa sinasabi sa kanya ng lover nya online. Hiningan ng pera at bigay ng bigay nung nangakong puntahan dito sa Pilipinas. Kapag tumanda talaga na walang kasama sa buhay parang madaling mapaniwala.
Natauhan rin siya sa bandang huli. Ireport nya pa sa baranggay ang facebook profile kaya pinagsabihan na huwag magpapaniwala sa online boyfriend.
Mabuti naman at hindi nagtagal na natauhan siya. Dahil kung hindi yan tumigil baka mas malaking pera pa ang mahuthot sa kaniya. Ganyan talaga kapag matanda na, ang akala may mga legit sa online dahil nakakita ng love story sa iba kaya nagtatry lang din sa mga afam na magkaroon sila ng jowa at baka maging masaya ang love life nila. Dito sa amin meron din, pero hindi naman nabiktima ng scam, wala lang daw nagkakamali sa kaniya na afam dahil matanda na.
- Mabuti kamo nahimasmasan yung matanda, yan din kasi yung mga pinupuntirya ng mga scammer yung mga tumandang dalaga o binata, meron nga ngayon na nagiging trending na pang-iiscam ay yung sangla tira scam, madalas akong nakakapanuod nito ngayon sa youtube, isipin mo yung bahay na hindi naman kanya nagagamit nyang pang-iiscam.
Nakakapagpakita pa ng mga fake documents kuno para makahikayat ng mga bibiktimahin, yung napanuod ko kanina na parang 7 o 8 na biktima ang sangla tira na benta ay sa halagang 150k within 2 years ay kanya na daw yung bahay na 2 storey 3 rooms, ayun nasakote ng mga kapulisan. Kaya inga't-ingat sa mga ganitong kalagayan o sitwasyon at ipaalala nalang natin sa mga kaibigan natin.