Diba usually indian ang gumagamit nyan mostly yan nakikita kong exchange ginagamit ng mga indian traders sa youtube?
Di kaya yung mexc based sa indian country? Alam nyu naman mga bumbay hidi dapat pagkatiwalaan.
- Alam mo kabayan hindi naman sa kinakampihan ko yung mga boombay ha, kasi medyo sablay ka sa sinabi mong ito, sorry pero masyado kang naging mapanghusga sa kapwa mo, porke boombay o indiano ay mga masasamang tao na at di-dapat pagkatiwalaan, ganun ba yun? maiintindihan pa sana kita kung lahat ng mga pilipino ay walang masamang tao. Huwag naman sanang ganyan, pano nalang kung may makabasa nitong sinabi mo na boombay na taga indian naligaw dito sa lokal section natin, at nabasa nya itong sinabi mo, sa tingin mo anong iisipin ng mga boombay o indiano sa ating mga pinoy? pano kung ibaling nila sa kapwa kababayan na ofw sa bansa nila na naninirahan o nagtatrabaho dun pag-isipan nila ng hindi rin maganda na kahit walang ginagawang masama yung kababayan natin dun ay masama ang magiging tingin nila sa mga pilipino.? pwede nilang isipin na ganyan pala ang pinoy ang baba ng tingin sa ating mga boombay o indiano. medyo ingat din sa pagbitaw ng mga salita kabayan sa ibang lahi.
Oo andun na tayo nagpapaalala ka sa mga kababayan natin dito choice naman nila yan kung gamitin nila o hindi, huwag na sana tayong tumulad sa iba na judgemental. Uulitin ko hindi ako galit sayo kabayan, hindi rin naman siguro masama na magpaalala kung alam natin na mali yung sinabi ng kapwa natin.