medyo may kahangalan itong tanong na ito pero go pa rin ako sa tanong 
hindi ko kasi ipinagpatuloy ang pagbayad ng SSS ko kaya nagsuggest ang big sister ko na bayaran ko na lang daw every quarter for around P3000 para di gaanong mabigat. para daw meron akong pension pagkatandan ko.
kung papipiliin kayo. kumikita naman ang staking ng assets mo every week. pipiliin mo bang magbayad ng SSS or manatili ka na lang sa staking mo na magsisilbing pension mo sa pagtanda?
sa totoo lang beneficial naman talaga ang sss o ang mga insurance companies kaya lang parang yung sss o philhealth halos wala na ring kwenta dito sa bansa natin napakabulok na ng sistema at masyadong maraming korupsyon pa ang nagaganap kung sana effective ang pamamalakad ng sss o philhealth o iba pa man talagang ipagpapatuloy ko ang pagbabayad niyan kaya lang ay hindi rin naman kaya sa crypto na lang rin ako
True naman yang sinasabi mo dude, parehas silang may pakinabang sa lahat ng mga pinoy na mag-avail nyan, kaya lang like what you said hindi maganda ang namamahala sa gobyerno natin ngayon, dati naghuhulog ako sa philhealt pero simula nung kinuha yung fund sa philhelt na worth 60bilyon na nilipat sa national treasury, hanggang sa nakarating na sa oral argument sa supreme court na pinababalik ng SC yung 60bilyon ang sagot ng kumag na si Recto ay willing naman daw ibalik yung 60bilyon pero sa 2026 pa raw.
Nakita mo yung katarantaduhan ng gobyerno, bakit hindi agad maibabalik? kasi napunta na sa ibang bulsa ng mga kawatang opisyales ng gobyerno. Hihintayin pa yung next year para makapag-ipon na manggagaling sa monthly contribution na binabayaran ng mga philhealt member. Sino ang gaganahang maghulog nyan buwan buwan. kaya yung SSS kahit pano yan nalang yung hinuhulugan ko kahit pano.