Alam mo dude nakakaawa yung ganyan, at naaawa din aqu na wala din naman aqu magawa para sa kanila, minsan kapag nakakakita aqu ng ganyan na kumakayod parin kahit hindi ko kakilala basta at nakaramdam ako na gusto ko abutan kahit magkano ay lalapitan ko nalang bigla bigyan ko ng pera or minsan binibilhan ko ng pagkain.
Tapos yung iba naman na may pension nagkukwento na malaking bagay din s kanila dahil kahit pano daw hindi sila umaasa sa bigay ng anak nila, at kung magbigay man daw yung anak ay bonus nalang daw nila yun.
Ganyan ang mga responsableng mga magulang at hindi inaasa sa mga anak nila yung pagiging matanda nila. Pero tayong mga pinoy kasi parang parte na ng kultura natin na alagaan ang mga matanda nating magulang o kung sinoman sa magkakapatid at patuloy na bigyan ng sustento para sa kanila. Mahirap talaga makakita ng mga matandang naghahanap buhay pa lalong lalo na sa kalsada at naglalako sa ilaim ng init ng araw kaya kapag tayo tumanda, malaking bagay din itong pension na manggagaling sa sss.
Oo tama ka dyan dude, kasi kung hindi ako nagkakamali parang majority ng mga pinoy talaga yung mga anak ng magulang kapag tumanda na yung magulang ay inaalagaan ng anak though may ilan na parang pinapabayaan nalang na hindi naman dapat ganun pero karamihan ay inaalagaan talaga.
Unlike sa ibang bansa kapag once na naging senior na yung mga magulang nila ay dinadala na nila sa home for the agent, ganun yung alam ko sa ibang bansa, parang yun na yung naging kultura nila dun, sobrang nakakaawa naman kapag ganun, diba?