Kaya nga, sana huwag na nila iboto yang pamilya na yan pati si Luis Manzano dahil grabe, sobra sobra at naging negosyo na nila ang politika. At sana sa lahat ng mga tumatakbong pulitiko na galing sa pagkaartista, pag aralan sana ng mga tao kung talagang makakatulong itong mga ito o hindi. Pero may balita ulit na sabi daw ni Recto, wala daw siyang sinabi na tataasan pa ang capital gains tax. Biglang urong ang bayag o baka panlilinlang lang yan tapos yun pala pinapasa na nila yang batas na yan.
sa tingin nyo kaya magiging scam itong mga government departments na ito at pagtatangalin next time kung sakaling magkarron ng department na katumbas ng department of government efficiency aka DOGE sa pilipinas?
meron pala silang isyu pundo ng sss at gsis na nilipat sa national treasury. pakiramdam ko tuloy ma-scam ang mga matatanda sa pilipinas 
Posibleng mangyari yan kapag totoong may malasakit ang susunod na uupon sa gobyerno. Sobrang garapalan talaga ang korapsyon ngayon, hindi ko alam kung nasisikmura ba nila ito o sinasadya talaga at parang one time big time dahil alam nila na last chance na ito at sa perang makukulimbat nila ay set na sila for life. Kawawa ang mga working class na pinoy kapag pati lahat ng pera ng sss at gsis ilipat sa national treasury. Kung yung sa philhealth nga hindi na ibabalik paano pa kaya yan.
Nagawa na nga diba na nailipat yung mga fund mula sa Pdic, sss, gsis, Philhealt fund sa national treasury, at yung sa philhealth nga may utos na nga ang SC na ibalik yung 60bilyon na nilipat sa national treasury, tapos ang sagot nga ng ugok na RECTO ay ibabalik daw nextyr, dito palang sa sagot nya na ito ay pinakita nya na wala yung 60bilyon na iscam na ng gobyernong kawatan mula sa presidente.
next year pa raw maibabalik na ang ibig sabihin magiipon muna ng pera na pambalik, ang tanung san kukunin para makaipon ng perang pambalik na 60bilyon sa philhelt? edi dun din sa contribution na hinuhulog ng mga mamamayang pinoy, ganyan kabalasubas ang mga kawatang opisyales ng gobyerno natin.