Meron ba sa atin ditong mga tipong scientist? Yung mga tipong obsess sa mga bagay-bagay
Walang masama na isipin ang benepisyo (madalas pera) na maibibigay sa'yo bago mo gawin ang isang bagay. Yung salitang 'hanapbuhay' kung isasalin sa ibang salita ay hanap pera na din yan. Hindi ka naman talaga mabubuhay kung wala ka nyan. Malayo naman yan sa 'mukhang pera'.
Bakit pag wala kabang pera mamamatay kaba o tayo agad? Parte ang pera sa mga bagay na nais nating makuha sa buhay, like gusto nating magkabahay at lupa, sasakyan, at sariling negosyo at iba pa na related sa mga pangarap na gusto natin para sa ating pamilya.
Ngayon, nakita natin na para magkaroon tayo ng pera sa mabilis o tamang panahon, itong cryptocurrency o bitcoin pwedeng maging tools o instrumento para mangyari yung mga bagay na naisin natin. Kaya dumidiskarte ang tao para makasurvive, saan? gastusin o bayarin or else sa lansangan tayo pupulutin, hindi sa term na hindi tayo mabubuhay kung wala tayong pera, no, hindi ganun, hindi lang natin mabibili yung mga bagay na kailangan natin para sa pamilya na meron tayo or else magiging tulad tayo ng ibang mga tao sa lansangan na palaboy-laboy o nanlilimos at umaasa sa bigay ng iba tulad pagkain o barya para may pambili sila. In short, pagmadami kang pera makukuha natin o mabibili yung mga gusto natin at kung walang pera hindi natin mabibili yung mga pangarap na gusto natin. Opinyon ko ito.