Oo, tama ka kabayan. Hindi lahat ng value ng mga coins natin ay tumataas kapag matagal nating inihold ito. Konti lang sa kanila ang ganito ng nangyayari kadalasan talaga ay gumagawa ng ATH tapos babalik din sa bottom. Dati kasi ang paniniwala ko ay patuloy lang talagang aakyat ang presyo, pero hindi pala. Naniniwala ako na may market cycle na kung saan kapag bearish market na, hihilain talaga pababa ang presyo, ilang cycle na rin ang nangyari at totoo talaga. Ang hirap lang minsan alamin kung bearish market na ba.
meron din namang mga token na hawak ko na unti unting umaakyat at hindi bumababa ng todo hangang sa botom ng last cycle. kung sa first cycle ay $0.02 ang bottom sa next bear market ang bottom ng token na ito ay nasa $0.20. so hindi gaaanong bagsak talaga. pero magabal ang tubo.
pero meron talagang token na $45 ang pinaka ATH and then ang bottom ay $0.08 kaya kung investor ka na naniwalang the longer you hold the better. hindi ka na maniniwala sa next cycle.
- Ano bang token itong tinutukoy mo na dating 45$ at ngayon ay 0.08$ nalang ang price, baka itong coin na ito ay mas madami din pang lalo ang nag-iipon nito dahil kahit mag 1$ lang ito ay malaki narin ang tubo nila for sure in the end.
Pwede bang malaman kung anong coins at alamin ko kung meron bang potential na umangat ulit yung price nya sa merkado in the near future lalo na at nasa bull run parin naman tayo sa ngayon.