Bilang isang baguhan dito ang goal ko maliban sa kumita ng pera ay pinagsisikap ko na makakuha ng maraming idea dito para maging kapareho ko ang mga beterano dito sa Altcoinstalk.
Marahil ang tinutukoy mo ay ang goal sa pagsali dito sa Altcoinstalks. Noong sumali ako dito ang goal ko ay makamit ang pinakamataas na ranggo at nagawa ko naman sa loob ng 8 araw naging Sr. Member ako. Ngayon, ang next goal ko ay maging Campaign Manager, kaya nga pinag-aaralan ko ang ibat-ibang bounty programs, pati ang istilo ng mga managers na humahawak nito. Sa aking palagay kakayanin ko...kung kaya nila kaya ko rin! Konting fighting spirit lang. 
Kaisa mo ako papu sa goal mo. At naniniwala ako na magiging isa kang mahusay na Campaign Manager.
Ako, ang foremost goal ko sa pagsali dito ay kumita. We badly needed the extra income. Hindi na kasya ang income ng breadwinner para sa pang-araw araw na gastusin. Dagdag pa na nasa college ang unica hija namin. Kaya laking pasalamat ko na, i was given the chance na maging member dito. And the best part of it all is, i am able to put additional food on the table.