Minsan ko ng napagtanto kung magkatugma ba ang sipnayan (math) at Altcoins. May mga spekulasyon na ang matematika ay isa sa mga instrumentong ginagamit ng mga tagapamahala ng Altcoins upang malaman kung gaano ito makaaapekto sa industriya ng paglago ng crypto world.Madalas kong makita ang line grap ng pagtaas at pagbaba ng mga token. Mga range ng possibilidad na bayad sa iyong ilang araw na pagtratrabaho. Demand at supply ng isang token na kung maari lang malaman ang pagtaas ng presyo nito ay maraming magiinvest. Kung kayang malaman ng matematika ng probabilidad at statistika ng isang halaga ng token, maaring tumaas ang bilang ng mga tumatangkilik rito. Ang mga plano naman na kung ihahalintulad sa mga market plan ng kumpanya ay tila may paniguradong investor na hinuhuli ang mata. Maging sa pagbuo ng mga data na ginagamitan ng cryptography ay parte pa rin ng matematika.
Ang mga ito ay iilan lang sa aplikasyon ng matematika sa mundo ng crypto currency. Ano pa kaya ang iba sa mga ito? At higit bang magiging kapakipakinabang ang pagtuklas ng matematika sa likod ng Altcoins?