Pinagdiriwang ni Lolo Jose at Lola Delia ang kanilang ika-50 wedding anniversary.
Lolo Jose: Mahal kong Delia, nagtataka lang ako, sa tagal tagal natin, may panahon ba na pinagtaksilan mo ako?
Lola Delia: Mmm…mahirap magsalita… O sige, total matagal na rin naman tayo at dapat maging honest…3 beses.
Lolo Jose: Ha? 3 beses? Kelan nangyari mga yan?
Lola Delia: Naalala mo ba nung dumating isang araw ang president ng bangko at in-approve kaagad ang utang natin sa bangko ng walang sabi sabi?
Lolo Jose: Ah, talaga, ginawa mo yun Delia? Para sa kinabukasan natin? Ang laki ng sakripisyo mo para sa atin, Delia. Kelan naman yung pangalawa?
Lola Delia: Naalala mo nung inatake ka sa puso nun at wala tayong pera pang-opera? Naalala mo biglang dumating si Dr. Santos at binigyan tayo ng napakalaking discount sa operasyon at gumaling ka kaagad?
Lolo Jose: Ah. Talaga? Ganyan mo ako kamahal, at binigay mo sarili mo para lang mabuhay ako? Mahal na mahal mo talaga ako, Delia. At kailan naman yung pangatlo?
Lola Delia: Naalala mo nung kamakailan lang nung gusto mong maging president ng inyong school alumni batch at kulang ka nalang ng 15 boto para manalo ka?
Ngek! Labin-lima!