
Credits: AllFreeDownload
Ang paggawa ng isang mahusay na post ay nangangailangan ng pasensya at kakayahan. Upang mapanatili ang iyong mga mambabasa, kailangan nitong makakuha ng atensiyon. Tulungan mo ang iyong mga tagapagbasa na mas maintindihan ang konsepto ng iyong post ng sa gayon ay maaari nila itong mapahalagahan.
1. Iwaksi ang Pamagat at Panimulang talata.Ayon kay James Scherers, "ang mga napapanahong pananaliksik ay nagsasabi na 80% ng mga mambabasa ay itinutuon ang kanilang paningin sa pamagat at ang naiwang 20% ay babasahin ang iba pa. Ito ang kahalagahan ng isang magandang pamagat." Ang kapana-panabik na pamagat at introduksyon ay nakapagbibigay ng kagustuhan sa iyong mambabasa na ipagpatuloy ang iyong teksto. Ito ay maituturing na mahalaga sa isang post.
2. Pumili ng iyong mambabasa.Madalas napapansin na ang mga post ay may mga piling mambabasa. Kunin ang atensyon ng mga users na nais mong bigyan ng kaalaman.
3. Magkasimpatya sa LayuninKung nais mong matuto ang iyong mambabasa, gawin mong impormatibo ang iyong sanaysay. Ang layunin ay nakakapagbawas ng mga argumentong maaaring sumulpot sa iyong post. Maaari kang gumamit ng mga salitang konektado na nais mong ipahayag sa mga mambabasa.
4. Kapakipakinabang na PahapyawGawing maikli ang iyong post hangga't maaari. Ang mahahabang teksto ay maaaring makakantyaw ng mga mambabasa. Maghanap ng mga salita na kayang ipaliwanang ang iyong nais sa maikling paraan.
5. ManaliksikMagbigay ng mga impormasyon ng may matibay at konkretong reperensiya. Makakatulong ito sa pagpapalawak ng mga ideya sa iyong teksto.
6. Maging Propesyonal.Siguraduhing ang iyong post ang maging propesyonal hangga't maaari. Mahirap man ito sa simula, subalit mas magiging kapakipakinabang rin ito. Gumamit ng pamatayan. Bantayang ring mabuti ang gramatika at baybay.
7. Maging PalakaibiganMaging bukas sa mga suhestiyon ng iyong mambabasa. Wag limitahan ang iyong post. Magsimula sa palakaibigan na paraan.
Subukan ang mga suhestiyon na nasa itaas

Para sa iba pang detalye:
https://www.searchenginepeople.comhttps://www.yoast.comhttps://www.huffpost.com