Ganoon ba?! Parang maganda iyan a. So, win-win situation pala yan.
Natatandaan ko kasi noong 1st week ng May 2018, meron akong ETHLend token na kinita sa Signature campaign sa kabilang forum at ipinasok ko sa Binance. Nai-trade ko sa BTC at ETH markets, dahil 1st time ko sa exchange at 1st time ko rin na makapag-pasok ng token sa exchange, guided by YouTube video (Binance (BNB) Exchange Tutorial), medyo napalaki ata ang Sell Limit na ginawa ko sa nasabing market. Kasi, mahigit 3 hours na walang nangyayari, kaya kinansel ko at ibinenta (sell) ko na lang sa market price parang walang 1 sec ok agad. Mahigit 1.7 BTC ang inabot kasama na ang ETH (converted to BTC). Kung marunong lang ako tulad ng ginagawa mo baka mas malaki sana kinita ko.
Salamat ng marami sa post mo, napakalaking tulong ito sa ating mga kababayan. Trading kasi ang nakikita ko ngayon na magandang opportunidad na pagkakitaan kahit pa medyo risky, kesa mga bounty campaign.
