Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: DabsPoorVersion on December 17, 2023, 02:03:51 AM

Title: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on December 17, 2023, 02:03:51 AM
“It is supposed to be three months from our issuance date. Three months from November 29. Depending on how feedback is, we can actually extend that, but currently we should feel lucky with the three months. I’ll be blunt, the original recommendation on my desk was one month. Someone even mentioned one week as a transition period. So the three months was actually a Christmas thing so as not to traverse Christmas and not to make hard for Filipino investors during that time.” Kevin Lee, Commissioner (https://bitpinas.com/regulation/sec-clarifies-3-months-until-binance-ban/)

Hindi lang pala dapat tatlong buwan ang palugit na binigay s Binance, kundi isang buwan lang. Pero dahil nagbigay ng konsiderasyon kasi magpapasko nga daw ay inextend ito mula 1 month ay naging 3 months.

Quote
"Will it only be Binance? Lee clarified that all the other unregulated exchanges cited, including OctaFX and MiTrade will be banned three months after issuance of the advisory."

Nilinaw na din na hindi lamang Binance ang damay dito, pati na din ang ibang unregulated exchange. Ang nasa isip ko lang ay, bakit laging Binance ang main topic sa ganitong usapin king lahat naman pala ng unregulated exchange ay damay.

Ano sa tingin niyo? Kulang lang ba ito ng pampadulas o may hinahabol na bayad ang Pilipinas gaya na lamang ng ginawa ng US.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on December 19, 2023, 03:28:28 PM
Sa tingin ko nga dito kabayan ay may usapan ang US at local authorities natin na pagkaisahan ang Binance dahil bago paman pumutok itong balita dito sa atin ay pinag-iinitan na talaga ito ng US kaya medyo duda ako sa ginawa ng SEC pero since hindi rin naman pala talaga rehistrado ang Binance I think talagang magkakaproblema talaga sila kung mababan sila dito sa Pinas. At sa atin namang mga crypto enthusiast syempre medyo masakit din para sa atin dahil sa ito lang para sa akin ang pinakaconvenient gamitin sa trading kumpara sa iba lalong lalo na sa P2P feature nito.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on December 20, 2023, 12:36:21 PM
Sa tingin ko nga dito kabayan ay may usapan ang US at local authorities natin na pagkaisahan ang Binance dahil bago paman pumutok itong balita dito sa atin ay pinag-iinitan na talaga ito ng US kaya medyo duda ako sa ginawa ng SEC pero since hindi rin naman pala talaga rehistrado ang Binance I think talagang magkakaproblema talaga sila kung mababan sila dito sa Pinas. At sa atin namang mga crypto enthusiast syempre medyo masakit din para sa atin dahil sa ito lang para sa akin ang pinakaconvenient gamitin sa trading kumpara sa iba lalong lalo na sa P2P feature nito.
Maaaring ganyan ang nangyari at pwede din na ginagaya lang ng Pilipinas ang hakbang na ginawa na aksyon ng US sa Binance. Noon pa man ay wala namang problema ang pag-operate ng Binance sa atin, pero tama ka din na kung hindi sila registered, maaari talaga sila magkaproblema dito sa atin lalo na kung may magreport na issue mula sa atin patungkol sa Binance.

Totoo yan, convenient talaga ang Binance para sa karamihan sa atin dahil sa P2P, kumpara sa mga options natin nung wala pang P2P ay gumagastos tayo ng doble dobleng fees para lang makapag withdraw mula crypto.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Yette on January 06, 2024, 08:00:34 AM
Kung kailan nmn po natuto sa basic ng binance saka.            i-baban. Simula ng slp days dito ako nagbebenta p2p. Less hassle dahil pwede gcash or bank account. Di ko pa nccheck bybit pero sana user friendly rin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 06, 2024, 02:37:46 PM
Kung kailan nmn po natuto sa basic ng binance saka.            i-baban. Simula ng slp days dito ako nagbebenta p2p. Less hassle dahil pwede gcash or bank account. Di ko pa nccheck bybit pero sana user friendly rin.
User friendly din naman ang bybit and yes may p2p sila. Hindi lang ako sigurado kung kasama ang bybit o hindi sa mga CEX na binigyan ng palugit na 90 days bago ang pagkaka-ban dito sa atin. Sa ngayon ang nakikita kong option ay gaya ng withdrawal noong wala pang p2p, convert asset to xrp or doge then withdraw sa coinsph para mas makamura ng transaction fee. Marami pang pwede gawing option kung ayaw mo naman dumaan sa coinsph, gaya ng stables wallet or sa PDAX.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Zed0X on January 06, 2024, 03:41:58 PM
Competition. Nakalimutan ko na anong grupo dati yung nagpush ng Binance ban bago pa man mag-issue ng directive ang SEC pero may nagsasabi na konektado daw sila sa PDAX. Yung isa pang malakas-lakas dn sa Pinas na coins.ph ay pagaari ng dating CFO ng Binance. Syempre alam niya gaano kahirap kalabanin kaya pwedeng isa din sila sa kumausap sa SEC.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 10, 2024, 11:10:37 PM
Popular kasi ang Binance at kung kaya sila lang ang parang laging namemedia dahil kilalang kilala sila. Ang hirap lang talaga dito sa bansa natin pagdating sa ganito kapag may nasasagasaan na ibang business na kakumpitensya ng malalaking companies. Yun lang naman ang puno't dulo nito, kung hindi naman kilala ang binance at iba pang mga international exchanges, wala silang kahaharapin na ganyan. Naging maugong lang din yan dahil sa US SEC na ban at penalty na inimpose sa kanila.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 11, 2024, 06:15:15 AM
Popular kasi ang Binance at kung kaya sila lang ang parang laging namemedia dahil kilalang kilala sila. Ang hirap lang talaga dito sa bansa natin pagdating sa ganito kapag may nasasagasaan na ibang business na kakumpitensya ng malalaking companies. Yun lang naman ang puno't dulo nito, kung hindi naman kilala ang binance at iba pang mga international exchanges, wala silang kahaharapin na ganyan. Naging maugong lang din yan dahil sa US SEC na ban at penalty na inimpose sa kanila.
Malaking halaga din kasi siguro talaga ang nalulugi sa mga kakumpitensya ng Binance. Talagang gagawa yang mga yan ng paraan para mabawasan ang pinakamalaki nilang kalaban. Which is natural na talaga sa mga business o companies. Hindi nila afford na mawalan ng expected profit nila para sa susunod pang mga taon dahil talagang maingay ang pangalan ng Binance dito sa atin. Bukod sa pinaka-gamit ng mga pinoy ay ito din ang pangunahing advice ng karamihan pagdating sa pag cash in sa crypto sa paggamit ng P2P.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 11, 2024, 01:26:39 PM

Sobrang laki kasi imbes na sa kanila mapunta mga local users o mga kapwa pinoy natin na mga traders at investors, sa binance pa pupunta. Dapat doon palang ay itake nilang challenge yun imbes na idaan sa ganito, oo totoo naman dapat ay legal din si binance sa bansa natin at may pagkukulang sila dahil maraming beses na pumunta si cz dito. Yun lang dapat naman ay idaan sa tamang proseso ng SEC natin, kulang pa nga siguro yung panahon na binigay nila kasi kung mahabang process at sangkatutak na mga requirements hinihingi nila, expect nila na hindi agad makakapag comply si Binance sa kanila.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Baofeng on January 11, 2024, 02:16:25 PM
Popular kasi ang Binance at kung kaya sila lang ang parang laging namemedia dahil kilalang kilala sila. Ang hirap lang talaga dito sa bansa natin pagdating sa ganito kapag may nasasagasaan na ibang business na kakumpitensya ng malalaking companies. Yun lang naman ang puno't dulo nito, kung hindi naman kilala ang binance at iba pang mga international exchanges, wala silang kahaharapin na ganyan. Naging maugong lang din yan dahil sa US SEC na ban at penalty na inimpose sa kanila.

Trickle effect talaga ang nangyari sa Binance, tinira ng US pinagmulta, alam naman natin ang relasyon ng US at ang ating bansa at nag mimirror ang mga policies kaya possibleng na timbrehan na rin ang goberyo natin patungkol sa Binance kaya hayun hammer ban or at least maging strict ang mga regulators pagdating sa mga exchanges na to.

At yung sinabi mo pang kumpitensyon, may mga local exchanges din kasi tayo na naapektuhan din sa Binance. So malay natin, baka may maniobra sa likod kaya ganun na lang ang tingin sa Binance ng mga regulators natin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 11, 2024, 05:22:06 PM

Posible talaga na may maniobra at request galing sa mga local exchanges para lang mas lalong ipressure si Binance. Pero sana hindi tayo talikuran ni BInance at gawin nalang niya ay magkaroon ng specific domain para dito sa bansa natin tulad ng binance.us tapos dito naman ay binance.ph. Akala ko dati na parang hindi makatotohanan na sobrang daming pilipino ang nagsasabi na shitty ang mga exchanges natin at puro binance lang ang bukambibig pero magiging isa din pala ako sa mga nagsasabi o naniniwala ng ganun.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 12, 2024, 09:43:47 AM
Sobrang laki kasi imbes na sa kanila mapunta mga local users o mga kapwa pinoy natin na mga traders at investors, sa binance pa pupunta. Dapat doon palang ay itake nilang challenge yun imbes na idaan sa ganito, oo totoo naman dapat ay legal din si binance sa bansa natin at may pagkukulang sila dahil maraming beses na pumunta si cz dito. Yun lang dapat naman ay idaan sa tamang proseso ng SEC natin, kulang pa nga siguro yung panahon na binigay nila kasi kung mahabang process at sangkatutak na mga requirements hinihingi nila, expect nila na hindi agad makakapag comply si Binance sa kanila.
May nabasa nga ako tungkol diyan e. Ang sinasabi kaya tinatangkilik ng mga pinoy ang Binance ay dahil mura. Bakit nga ba mura ang Binance, dahil hindi sila registered, hindi nagbabayad ng buwis kaya walang additional charge. Kumpara sa mga local exchange na registered na dumaan sa tamang proseso, nagbabayad ng malaking buwis para legal na makapag-operate sa bansa, kaya hindi daw talaga maiiwasan na mas mataas ang mga charges nila kumpara sa Binance.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 12, 2024, 02:07:34 PM

Di bale na siguro na mahal basta't maging rehistrado lang ang Binance dahil iba talaga yung service na inooffer nila kumpara sa local exchanges natin dito sa Pinas.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 12, 2024, 02:16:08 PM
Di bale na siguro na mahal basta't maging rehistrado lang ang Binance dahil iba talaga yung service na inooffer nila kumpara sa local exchanges natin dito sa Pinas.
Ayun ay kung gagawa ng hakbang ang Binance at magprocess ng registration nila dito sa bansa natin. Pero duda ako jan na kahit mahal basta magregister lang sila ay tuloy pa din na gagamitin ng mga pinoy ang Binance. Ang hanap ng natin palagi ay yung pang masa, mura dapat at wala masyadong spread sa price ng buy and sell na naging problema natin kagaya na lamang sa coinsph at gcrypto. Kung magiging mahal sa Binance, malamang hahanap nalang ng ibang masa murang exchange ang karamihan.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 12, 2024, 02:57:10 PM
Sobrang laki kasi imbes na sa kanila mapunta mga local users o mga kapwa pinoy natin na mga traders at investors, sa binance pa pupunta. Dapat doon palang ay itake nilang challenge yun imbes na idaan sa ganito, oo totoo naman dapat ay legal din si binance sa bansa natin at may pagkukulang sila dahil maraming beses na pumunta si cz dito. Yun lang dapat naman ay idaan sa tamang proseso ng SEC natin, kulang pa nga siguro yung panahon na binigay nila kasi kung mahabang process at sangkatutak na mga requirements hinihingi nila, expect nila na hindi agad makakapag comply si Binance sa kanila.
May nabasa nga ako tungkol diyan e. Ang sinasabi kaya tinatangkilik ng mga pinoy ang Binance ay dahil mura. Bakit nga ba mura ang Binance, dahil hindi sila registered, hindi nagbabayad ng buwis kaya walang additional charge. Kumpara sa mga local exchange na registered na dumaan sa tamang proseso, nagbabayad ng malaking buwis para legal na makapag-operate sa bansa, kaya hindi daw talaga maiiwasan na mas mataas ang mga charges nila kumpara sa Binance.
Sa mga adjustments at price differences, normal lang naman yung kaibahan nila pero para sa akin ay yung service kasi ibang iba. Oo nga magkaiba sila ng rates at mas mura lang sa Binance. Sa taxes, kung magcomply man sila o maging okay na ulit, tingin ko wala naman magiging bago sa kanila dahil global naman ang operations nila at sana binibigyan nila ng importansya ang market nila sa bansa natin dahil sobrang daming mga kababayan natin ang umaasa sa kanila at para sa atin na naghahanap ng mas magandang platform kahit na ayaw ng karamihan sa mga local exchanges, mapipilitan nalang sila gamitin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 13, 2024, 12:33:37 PM
Sa mga adjustments at price differences, normal lang naman yung kaibahan nila pero para sa akin ay yung service kasi ibang iba.
May restriction na kasi sa mga local exchange sa atin, kumbaga kung ano yung naging batas dito sa atin patungkol sa crypto or anything suspiscious na makita nila gaya na lamang sa banks, kapag may malaki kang transaction ay possible i-freeze ang account mo for more investigations.
Unlike sa Binance na wala dahil hindi pa sila sakop ng batas natin dahil hindi sila registered. Kasama na dito ang pagbabayad ng buwis, as long as walang nagbabawal na mag operate sila sa bansa ay wala silang problema noon.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 13, 2024, 02:50:14 PM

May mga ganun talaga na freezing at subject for investigation kung ang funds ay galing sa ilegal. Ganyan din naman si Binance na kapag may mga fraud funds o hacked ay subject for closure o investigation din ang account. Kaya para sa akin, halos wala namang kaibahan kung tungkol sa ganyan pero yun nga lang yung mismong service, malayong malayo sa mga local natin kaya sana lang sa February ay magkaroon na tayo ng updates kung kamusta na ba si Binance.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 13, 2024, 03:09:18 PM

Yeah kagaya na lang ng coins.ph may nabalitaan ako dati na marami napifreeze na funds way back 2017-2018 yata yun sa kasagsagan ng bull run ni Bitcoin nakita ko yun may nagpost sa kabilang forum kaya medyo nakakabahala din kasi kapag malakihan yung transaction malaki din chance na mafreeze.

Kung sakaling hindi talaga magregister ang Binance dito sa atin sana may mga institutions na gagawa ng kaparehong service ng Binance dahil tiyak na dudumugin ng mga crypto enthusiast yan kung meron man.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: jesuschrist! on January 13, 2024, 03:25:18 PM

Magkakatotoo na talaga to?
Hayup sa restriction, Ang hirap pa naman sa atin dahil hihingan ng mga dokumento gaya ng proof of billing at employment record. Pano na kami na nag extra extra lang.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 14, 2024, 07:22:56 AM

Magkakatotoo na talaga to?
Hayup sa restriction, Ang hirap pa naman sa atin dahil hihingan ng mga dokumento gaya ng proof of billing at employment record. Pano na kami na nag extra extra lang.
Possible na matuloy ito. Pero nakadepende pa din sa Binance kung gagawa sila ng hakbang para ipa-register ang exchange nila dito sa atin. Pero nasabi naman ng SEC PH na handa silang iextend ang deadline pero depende pa din sa magiging diskusyon nila.

Para naman sa proof of biling or employment record, tingin ko tatanggapin naman nila kung sasabihin mo na freelance galing ang income mo. Need mo lang ng proof gaya ng mga screenshot ng work mo. Ganun yung sa kakilala ko dati sa coinsph, ayun napagbigyan naman. Depende nalang din talaga sa pakikipag-usap at mga dokumento mong hawak.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 16, 2024, 03:44:49 PM
Yeah kagaya na lang ng coins.ph may nabalitaan ako dati na marami napifreeze na funds way back 2017-2018 yata yun sa kasagsagan ng bull run ni Bitcoin nakita ko yun may nagpost sa kabilang forum kaya medyo nakakabahala din kasi kapag malakihan yung transaction malaki din chance na mafreeze.

Kung sakaling hindi talaga magregister ang Binance dito sa atin sana may mga institutions na gagawa ng kaparehong service ng Binance dahil tiyak na dudumugin ng mga crypto enthusiast yan kung meron man.
Ganun na nga talaga mangyayari para pumabor sa kanila ang sitwasyon at para masala yung dami ng mga users para lang mapunta sa kanila. Sa coins. ph na madaming na frozen na mga accounts, may kinalaman ata yun sa online paluwagan, scam, gambling, illegal investments na sobrang dami. Kaya gumawa ng hakbang si coins para pigilan sila kasi pumapasok  mga dirty money sa kanila pero tingin ko ay hanggang ngayon pwede mangyari yan ulit sa paparating na bull run.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: benalexis12 on January 16, 2024, 07:38:04 PM
“It is supposed to be three months from our issuance date. Three months from November 29. Depending on how feedback is, we can actually extend that, but currently we should feel lucky with the three months. I’ll be blunt, the original recommendation on my desk was one month. Someone even mentioned one week as a transition period. So the three months was actually a Christmas thing so as not to traverse Christmas and not to make hard for Filipino investors during that time.” Kevin Lee, Commissioner (https://bitpinas.com/regulation/sec-clarifies-3-months-until-binance-ban/)

Hindi lang pala dapat tatlong buwan ang palugit na binigay s Binance, kundi isang buwan lang. Pero dahil nagbigay ng konsiderasyon kasi magpapasko nga daw ay inextend ito mula 1 month ay naging 3 months.

Quote
"Will it only be Binance? Lee clarified that all the other unregulated exchanges cited, including OctaFX and MiTrade will be banned three months after issuance of the advisory."

Nilinaw na din na hindi lamang Binance ang damay dito, pati na din ang ibang unregulated exchange. Ang nasa isip ko lang ay, bakit laging Binance ang main topic sa ganitong usapin king lahat naman pala ng unregulated exchange ay damay.

Ano sa tingin niyo? Kulang lang ba ito ng pampadulas o may hinahabol na bayad ang Pilipinas gaya na lamang ng ginawa ng US.

Simple lang ang dahilan siyempre, dahil sa Binance ang main top exchange na kilala sa crypto industry at hindi na yun kailangan pang tanungin. Dahil obviously sa panahong ito, tanging binance lang ang may pinakamalaking fund volume in terms of trading.

Maging most trusted ng mga crypto community sa buong mundo sa totoo lang, sa kabila ng hindi na mabilang na kinaharap na mga isyu nito mula sa mga isinampang kaso ng SEC, hacking at iba pa ay napanatili parin ni Binance ang competent at trust ng kanilang mga users na hindi kayang gawin ng ibang mga exchange na kagay nya.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Cordillerabit on January 17, 2024, 06:46:37 AM
kumusta update nyo sa balitang ito mga master posible kayang hindi ito matutuloy sana nga magawan ng paraan da best pa naman sakin ang binance
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 17, 2024, 08:36:22 AM
kumusta update nyo sa balitang ito mga master posible kayang hindi ito matutuloy sana nga magawan ng paraan da best pa naman sakin ang binance
Parang tuloy na tuloy pa rin kasi wala pa ring balita kung ano na yung usad na ginagawa ni Binance. Ang lumabas ay sa Thailand sila nagpursue at pwede na nilang gawing HQ yun kung dito sa SouthEast Asia na operations nila ang pagbabasehan. Pero antay parin tayo baka sakali sa mismong buwan ng February baka magkaroon ng magandang balita.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Zed0X on January 17, 2024, 09:23:07 AM

Yes, recent nga lang nag-open yung Binance Thailand.

Meron siguro activities behind the scenes pero wala pang public updates. Lipat muna mga Binance users sa local CEX habang inaasikaso nila license. Nagmamatigas din ang SEC pero hindi naman siguro lifetime yang ban na yan.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 17, 2024, 11:23:01 AM
kumusta update nyo sa balitang ito mga master posible kayang hindi ito matutuloy sana nga magawan ng paraan da best pa naman sakin ang binance
Wala pa panibagong update hanggang sa ngayon e. Kahit update kung nag sisimula na ba gumawa ng hakbang ang Binance o nag aasikaso na ba sila ng registration ay wala. Hindi natin malaman kung may balak ba sila o pababayaan nalang na lumipas ang panahon na i-ban sila dito sa atin. Pero ang huling sabi naman ng SEC ay handa silang i-extend ang deadline kung sakaling makipag-ugnayan sakanila ang Binance team. Depende nalang talaga sa Binance dahil kung wala silang gagawin, tuloy ang pag ban sa kanila.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 17, 2024, 02:49:23 PM
kumusta update nyo sa balitang ito mga master posible kayang hindi ito matutuloy sana nga magawan ng paraan da best pa naman sakin ang binance
Parang tuloy na tuloy pa rin kasi wala pa ring balita kung ano na yung usad na ginagawa ni Binance. Ang lumabas ay sa Thailand sila nagpursue at pwede na nilang gawing HQ yun kung dito sa SouthEast Asia na operations nila ang pagbabasehan. Pero antay parin tayo baka sakali sa mismong buwan ng February baka magkaroon ng magandang balita.
Yes, recent nga lang nag-open yung Binance Thailand.

Meron siguro activities behind the scenes pero wala pang public updates. Lipat muna mga Binance users sa local CEX habang inaasikaso nila license. Nagmamatigas din ang SEC pero hindi naman siguro lifetime yang ban na yan.
Iniisip ko sa bandang huli, pera pa rim talaga yan kaya naghigpit itong si SEC. Ayaw lang din siguro nila itolerate non licensed si Binance dahil may mga licensed local crypto exchanges tayo dito at mahal ang licensing ng mga yan. Kumbaga sa basketball at liga, may protesta at unfair nga naman sa kanila kung hahayaan lang ng SEC. Kung kaya dapat ay dadaan din sa tama at legal na proseso si Binance. Antayin nalang matin kung may magandang balita soon.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: angrybirdy on January 17, 2024, 03:00:57 PM

In short, tungkol lang din talaga ito sa kompitensya ng mga local exchange laban sa Binance. Talagang matatawag na unfair yun dahil dumaan ang local exchange sa tamang proseso at nagpasa ng mga kailangang papeles, samantalang ang Binance ay malayang nakakapag takda ng kanilang operasyon dito sa bansa. Negosyo nga naman, talagang lahat ng kalaban ay pipilitin nilang alisin, lahat ng pwedeng paraan o butas na makita nila, gagamitin nila.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 17, 2024, 05:48:13 PM
In short, tungkol lang din talaga ito sa kompitensya ng mga local exchange laban sa Binance. Talagang matatawag na unfair yun dahil dumaan ang local exchange sa tamang proseso at nagpasa ng mga kailangang papeles, samantalang ang Binance ay malayang nakakapag takda ng kanilang operasyon dito sa bansa. Negosyo nga naman, talagang lahat ng kalaban ay pipilitin nilang alisin, lahat ng pwedeng paraan o butas na makita nila, gagamitin nila.
May basis din naman ang SEC natin dahil nga may SEC din ang US. Posible din talaga na humingi ng tulong ang mga local exchangers natin sa kanila para tignan itong part ng Binance kung may licensed ba sila. Ganito naman talaga sa business, lalo na kung competition at malaking halaga ang involved. Gusto din naman natin suportahan ang mga sariling atin pero kasi ang layo kung ikukumpara sa Binance. Sana ay maging paraan din ito na mas pagandahin nila exchanges nila locally.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: PX-Z on January 18, 2024, 02:19:01 AM

Right, at hindi lang basta basis kundi legal basis which dapat matagal na process ng binance but they choose not doing so.
Well, if mag expect naman ang local exchanges na maging active uli mga traders nila or dumami registers nila eh dapat pagandahin naman nila service nila na maging international competitive hindi lang pang locals as in "local".

Edit: (offtopic) I'm doing tg notifications, pa mention naman or quote my post, ty :)
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 18, 2024, 09:09:24 AM
Right, at hindi lang basta basis kundi legal basis which dapat matagal na process ng binance but they choose not doing so.
Well, if mag expect naman ang local exchanges na maging active uli mga traders nila or dumami registers nila eh dapat pagandahin naman nila service nila na maging international competitive hindi lang pang locals as in "local".

Edit: (offtopic) I'm doing tg notifications, pa mention naman or quote my post, ty :)
Dapat talaga na pagandahin nila service nila dahil hindi malabo na aalis at aalis pa rin ang mga customers nila kung panay bugs, delay ng withdrawals at iba pang mga common na problema yung na experience natin.

Ok na ba ito kabayan na quote ko post mo at mention din kita @PX-Z
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: PX-Z on January 18, 2024, 09:14:11 AM
Dapat talaga na pagandahin nila service nila dahil hindi malabo na aalis at aalis pa rin ang mga customers nila kung panay bugs, delay ng withdrawals at iba pang mga common na problema yung na experience natin.
Yes, at usually higher fees din talaga ang reason bakit nag si-alisan ibang local exchanges users, tapus panay maintenance pa.

Ok na ba ito kabayan na quote ko post mo at mention din kita @PX-Z
Thanks, working na fully yung telegram notifier bot. Na post ko na din dito https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=315728.0.
Pwede niyo na rin ma try, suggestion are all welcome :)

(https://talkimg.com/images/2024/01/18/373XG.jpeg)
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 18, 2024, 11:11:45 AM
Dapat talaga na pagandahin nila service nila dahil hindi malabo na aalis at aalis pa rin ang mga customers nila kung panay bugs, delay ng withdrawals at iba pang mga common na problema yung na experience natin.
Yes, at usually higher fees din talaga ang reason bakit nag si-alisan ibang local exchanges users, tapus panay maintenance pa.
Yun nga, may isang kilalang local exchange na panay ang maintenance at parang nasobrahan sa maintenance. Although para naman siguro sa ikakabuti ng mga users yun pero naging madalas na masiyado at palagian na parang annoying na siya.

Thanks, working na fully yung telegram notifier bot. Na post ko na din dito https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=315728.0.
Pwede niyo na rin ma try, suggestion are all welcome :)

(https://talkimg.com/images/2024/01/18/373XG.jpeg)
Salamat kabayan. Ichecheck ko yang notifier, meron na din pala dito sa altcoinstalks.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bitterguy28 on January 19, 2024, 05:16:58 AM

Magkakatotoo na talaga to?
Hayup sa restriction, Ang hirap pa naman sa atin dahil hihingan ng mga dokumento gaya ng proof of billing at employment record. Pano na kami na nag extra extra lang.
Lalo na ngayong nag upgrade na ang Binance sa Thailand eh mukhang iiwanan na talaga nila ang pinas though malamang malalaman natin to before mag March kasi more or less mid of march ang 90 days allowance na binigay ng SEC natin sa binance para mag comply so better maging ready na tayong lahay sa gnaitong set up.
Thanks, working na fully yung telegram notifier bot. Na post ko na din dito https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=315728.0.
Pwede niyo na rin ma try, suggestion are all welcome :)

(https://talkimg.com/images/2024/01/18/373XG.jpeg)
Salamat kabayan. Ichecheck ko yang notifier, meron na din pala dito sa altcoinstalks.
Abat meron na din palang Notifier dito ? salamat guys sa pag mention nito dahil hinahanap ko nga kung katulad sa BTT na meron notification bot .

masubukan na nga to.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 19, 2024, 08:35:42 AM
.

Nakita ko lang yan dahil kay Px Z at meron na nga dahil working naman siya dito kaya tinest niya. Punta ka nalang sa mismong link na binigay niya para matest mo din.

Kung kailan pawala na binance sa atin, ang daming mga airdrops na binibigay nila sa launchvault nila. Meron ba dito na madaming nakukuha?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 25, 2024, 07:02:06 AM
Sa mga adjustments at price differences, normal lang naman yung kaibahan nila pero para sa akin ay yung service kasi ibang iba. Oo nga magkaiba sila ng rates at mas mura lang sa Binance. Sa taxes, kung magcomply man sila o maging okay na ulit, tingin ko wala naman magiging bago sa kanila dahil global naman ang operations nila at sana binibigyan nila ng importansya ang market nila sa bansa natin dahil sobrang daming mga kababayan natin ang umaasa sa kanila at para sa atin na naghahanap ng mas magandang platform kahit na ayaw ng karamihan sa mga local exchanges, mapipilitan nalang sila gamitin.
Yes! Agree ako dito sa sinabi mong ibang-iba yung service na inooffer ng Binance kabayan pati na rin yung interface ng app sobrang dali lang aralin wag lang sa trading kasi bobo ako dun. 😅 Pero parang pinagkakaisahan ngayon ang Binance kasi pati India ibaban din sila kasama yung mga major exchanges doon.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 25, 2024, 10:17:05 AM

Totoo naman, kaya nga Binance ang pinaka advisable gamitin lalo na sa mga pinoy gaya ng time na nauso ang nft games or yung mga P2E. Binance talaga ang main option para padaanin ang mga kinikita nila. Bukod pa dun, sobrang daming tutorial videos na sinasabi 3 or 5 easy steps para makapaglabas ng pera from crypto to fiat. Pero ayun nga lang, wala kasi tayo magagawa kung sakaling matuloy talaga yung bannin, dahil ang final decision ay laging nakadepende sa mga opisyal.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: gunhell16 on January 25, 2024, 02:11:26 PM
Dapat talaga na pagandahin nila service nila dahil hindi malabo na aalis at aalis pa rin ang mga customers nila kung panay bugs, delay ng withdrawals at iba pang mga common na problema yung na experience natin.
Yes, at usually higher fees din talaga ang reason bakit nag si-alisan ibang local exchanges users, tapus panay maintenance pa.
Yun nga, may isang kilalang local exchange na panay ang maintenance at parang nasobrahan sa maintenance. Although para naman siguro sa ikakabuti ng mga users yun pero naging madalas na masiyado at palagian na parang annoying na siya.

Thanks, working na fully yung telegram notifier bot. Na post ko na din dito https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=315728.0.
Pwede niyo na rin ma try, suggestion are all welcome :)

(https://talkimg.com/images/2024/01/18/373XG.jpeg)
Salamat kabayan. Ichecheck ko yang notifier, meron na din pala dito sa altcoinstalks.

May naencounter ako na exchange ganyan before at ito yung hotbit, putek na yan halos every week ata laging merong maintenance tapos ang malupet pa dun ay naranasan ko na magkaroon sila ng maintenance na inabot ng ilang buwan, eh meron akong assets sa platform na ito mga nasa around 190$ something mga ganyang halaga, sabi ko magresume lang ang maintenance nito ifull out ko na assets ko.

At hinintay ko nga yung dalawang buwan ata yun na maintenance hindi ko na matandaan nung nagresume ay nilabas ko na talaga lahat, tapos after ng ilang buwan na pagfull-out ko ng mga assets sa hotbit ay biglang napabalita na magshutdown na ata sila kaya buti nalang naagapan ko. Ngayon dito naman sa Binance nailipat ko narin sa ibang platform yung assets ko dyan ginagamit ko nalang siya sa ngayon sa p2p nalang talaga hangga't pwede pa.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 26, 2024, 02:11:17 AM

Possible yung ganito lalo na kung dadagsa yung maraming users na bigla nalang naglipatan o nag create ng account sa exchange. Yun kasi yung mga unexpected scenario nila na hindi napaghahandaan madalas. Kailangan nila mag maintenance para mag upgrade at hindi bumagal ang paggamit ng exchange nila kapag madaming active users.

Naka experience din ako ng ganyan noon, nakakainis na nakaka-kaba dahil yung pondo mo maiipit ng ganyan kahabang panahon sa exchange. Ang ginawa ko noon palagi talaga ako nanghihingi ng update dahil hindi talaga mapapakali sa ganung sitwasyon.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bisdak40 on January 26, 2024, 05:45:34 AM
Hindi lang pala dapat tatlong buwan ang palugit na binigay s Binance, kundi isang buwan lang. Pero dahil nagbigay ng konsiderasyon kasi magpapasko nga daw ay inextend ito mula 1 month ay naging 3 months.

Quote
"Will it only be Binance? Lee clarified that all the other unregulated exchanges cited, including OctaFX and MiTrade will be banned three months after issuance of the advisory."
Ano sa tingin niyo? Kulang lang ba ito ng pampadulas o may hinahabol na bayad ang Pilipinas gaya na lamang ng ginawa ng US.

Salamat sa info kabayan, akala ko Binance lang ang iba-ban pati rin pala yong OctaFX na ginagamit ko sa trading. Kaya pala walang tumatawag sa akin na account manager noong pag-create ko ng account sa OctaFX, unregulated pala sila sa Pinas. Sana yong sa Binance ay ma-solve nila ito para naman tuloy-tuloy pa rin yong P2P natin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 26, 2024, 01:08:56 PM

Walang anuman,
Tama yun, hindi lang Binance ang damay, dahil lahat ng unregistered exchange talaga ang target nila. Sa ngayon naka focus lang sila sa Binance dahil ito yung pinaka malaki at pinaka maingay na pangalan ngayon lalo na nung unang labas ng issue na nakasuhan si CZ. Pero nabanggit naman nila na may iba pang damay na exchange at nag banggit ng ilang pangalan.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: gunhell16 on January 26, 2024, 04:10:56 PM
Hindi lang pala dapat tatlong buwan ang palugit na binigay s Binance, kundi isang buwan lang. Pero dahil nagbigay ng konsiderasyon kasi magpapasko nga daw ay inextend ito mula 1 month ay naging 3 months.

Quote
"Will it only be Binance? Lee clarified that all the other unregulated exchanges cited, including OctaFX and MiTrade will be banned three months after issuance of the advisory."
Ano sa tingin niyo? Kulang lang ba ito ng pampadulas o may hinahabol na bayad ang Pilipinas gaya na lamang ng ginawa ng US.

Salamat sa info kabayan, akala ko Binance lang ang iba-ban pati rin pala yong OctaFX na ginagamit ko sa trading. Kaya pala walang tumatawag sa akin na account manager noong pag-create ko ng account sa OctaFX, unregulated pala sila sa Pinas. Sana yong sa Binance ay ma-solve nila ito para naman tuloy-tuloy pa rin yong P2P natin.

Sa tingin ko naman ay parang maeextend pa ang operation ng Binance dito sa bansa natin, pero hindi ako sure kung totoo yung mga nabasa ko na yun tungkol sa Binance dahil more on opinyon lang yung mga naririnig at napapanuod ko sa isang podcast video.

But anyway, kung talagang wala ng remedyo talaga ay meron narin naman akong alternative sa bagay na yan kung sakali mang matuloy ang pagblock sa binance dito sa bansa natin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 26, 2024, 04:19:00 PM
kung talagang wala ng remedyo talaga ay meron narin naman akong alternative sa bagay na yan
PDAX ba yan kabayan or iba? Baka pwede naman pabulong kami. 😁 Though I am not into trading pa naman sa ngayon pero mas maganda kasi na may ideya bago paman kailanganin kasi di natin alam sa makalawa eh makakapagtrade na tayo ulit sa di inaasahang dahilan.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 27, 2024, 01:07:43 AM
Yes! Agree ako dito sa sinabi mong ibang-iba yung service na inooffer ng Binance kabayan pati na rin yung interface ng app sobrang dali lang aralin wag lang sa trading kasi bobo ako dun. 😅 Pero parang pinagkakaisahan ngayon ang Binance kasi pati India ibaban din sila kasama yung mga major exchanges doon.
Sa India naman, mainit ng usapin ang crypto doon dati pa. Dito lang talaga sa atin na parang bago at sumunod lang sa hakbang ng US. Kasi kahit dati pa man din noong nandiyan pa yung mga exchanges tulad ng bittrex at yung iba pang nagsara, wala silang kaideya ideya at walang higpit. Ngayon lang talaga sa binance at pati na rin siguro sa ibang exchanges na sumusunod kay binance.

May naencounter ako na exchange ganyan before at ito yung hotbit, putek na yan halos every week ata laging merong maintenance tapos ang malupet pa dun ay naranasan ko na magkaroon sila ng maintenance na inabot ng ilang buwan, eh meron akong assets sa platform na ito mga nasa around 190$ something mga ganyang halaga, sabi ko magresume lang ang maintenance nito ifull out ko na assets ko.

At hinintay ko nga yung dalawang buwan ata yun na maintenance hindi ko na matandaan nung nagresume ay nilabas ko na talaga lahat, tapos after ng ilang buwan na pagfull-out ko ng mga assets sa hotbit ay biglang napabalita na magshutdown na ata sila kaya buti nalang naagapan ko. Ngayon dito naman sa Binance nailipat ko narin sa ibang platform yung assets ko dyan ginagamit ko nalang siya sa ngayon sa p2p nalang talaga hangga't pwede pa.
Grabe nga yang experience na yan at madaming mga ganyang exchanges na parang hindi obligado magbigay ng magandang service at hassle free. At sa funds naman sa binance, hindi pa rin ako nakakapaglipat baka kapag last minute nalang at baka itemporary transfer ko nalang muna sa gcrypto kapag no choice.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bisdak40 on January 27, 2024, 07:33:10 AM
But anyway, kung talagang wala ng remedyo talaga ay meron narin naman akong alternative sa bagay na yan kung sakali mang matuloy ang pagblock sa binance dito sa bansa natin.

Share mo naman dito kabayan yong alternative mo sakaling ma-ban nga yong Binance sa bansa natin. Parang PDAX through Gcash at Coins.ph nalang kasi yong alternative sa pag cash-out na nalalaman ko. Pwede kaya gumamit ng VPN para ma-access yong Binance?

Pero sana lang ay lumambot yong gobyerno natin dahil maraming investors ang maapektuhan sa galaw na ito ng gobyerno natin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 27, 2024, 12:08:29 PM
Dito lang talaga sa atin na parang bago at sumunod lang sa hakbang ng US.
Yan nga ang napansin ko kabayan mula pa nung umpisang nag-ingay yung tungk ol sa Binance US. After mga ilang weeks or months yata nagsimula na din umalingasaw ang amoy ng galit ng SEC sa mga unregistered exchanges dito sa atin so parang may ugnayan nga yata ang mga bansa para mapahinto ang Binance sa kanilang operation at kasali na yung iba para hindi masyadong halata. I don't know lang ha para kasing something fishy is happening nowadays given na chekwa may-ari ng Binance. I could be wrong but who knows diba?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: jeraldskie11 on January 27, 2024, 05:36:45 PM

Opinion ko lang mga paps ha, sa tingin ko yung pag-anunsyo nila na ibaban ang crypto sa Pilipinas ay wala masyadong epekto sa market pero baka ang totoong pakay lang ng mga malalaking tao ay upang gumagawa ng retracement ang Bitcoin, pero dahil sa napakataas na demand ng Bitcoin ay hindi ito umubra. At nung malapit na sa supply zone ang presyo ng Bitcoin ay inaaprobahan ng Sec ang Bitcoin ETF na kung saan ay nagdulot ng magandang epekto sa market, umakyat hanggang sa magstay ang presyo nito sa supply. Inakala ng iba na malalagpasan ang supply zone pagkatapos ng anunsyo kasi hindi ito ordinaryong balita, marami ang nakaabang dito. Ngunit kung titingnan natin ang market ngayon ay nagsisimula na syang magretrace at ito ay isang magandang panahon para mag-accumulate.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 28, 2024, 11:23:42 AM
Dito lang talaga sa atin na parang bago at sumunod lang sa hakbang ng US.
Yan nga ang napansin ko kabayan mula pa nung umpisang nag-ingay yung tungk ol sa Binance US. After mga ilang weeks or months yata nagsimula na din umalingasaw ang amoy ng galit ng SEC sa mga unregistered exchanges dito sa atin so parang may ugnayan nga yata ang mga bansa para mapahinto ang Binance sa kanilang operation at kasali na yung iba para hindi masyadong halata.
Base din ata sa US SEC yung SEC dito sa bansa natin kaya parang sunod sunuran lang din. At kahit ano pa man yan ay wala na tayong magagawa dahil nga naging patakaran na nila yan.

. I don't know lang ha para kasing something fishy is happening nowadays given na chekwa may-ari ng Binance. I could be wrong but who knows diba?
Para sa akin naman, wala naman yang connection dahil may pagkukulang nga lang din si Binance dahil sa iba't ibang policies ng mga bansa kung saan may mga customers sila at operational.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 28, 2024, 01:12:57 PM

Sabagay may point ka kabayan kaya mas maigi na lang siguro na antayin na lang natin magiging resulta ng pagpapataw ng ban since malapit na rin naman matapos yung palugit ng SEC sa Binance at ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 28, 2024, 02:46:20 PM
ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Hindi natin masasagot yan sa ngayon, pero yang dalawang yan talaga ang pinaka malaking katanungan sa ating lahat sa ngayon. Sinabi naman ng SEC PH na handa silang magbigay palugit kung sakaling para makapag comply ang Binance. Pero kahit gaano pa kahabang palugit ang ibigay nila, kung Binance mismo ang hindi gagawa ng action para makapag register sila, bale wala ang lahat ng iyon. Binance lang ang tanging makaka resolba ng sitwasyon nila sa pinakamalaking pangamba nating mga Pilipino sa posibleng pagkakaban nila dito sa atin.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on January 28, 2024, 08:18:36 PM
Sabagay may point ka kabayan kaya mas maigi na lang siguro na antayin na lang natin magiging resulta ng pagpapataw ng ban since malapit na rin naman matapos yung palugit ng SEC sa Binance at ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Tingin ko naman nagcocomply sila at kailangan lang din natin maging patient. Kung wala naman silang ginagawa, then wala din tayong magagawa dahil kung anoman ang maging desisyon at actions nila sa tugon ng SEC, sila na ang makakalutas nun. Sana sa possible extension, kung hindi pa sila tapos sa compliance nila baka naman dagdagan ni SEC ng palugit. Dahil normal lang naman yan sa mga may deadline, laging may extension at consideration. Baka ito yung unang makita natin at sana nga ganyan ang mangyari kung may ginagawa talaga sila at nagpa-process ng mga requirements nila.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bitterguy28 on January 29, 2024, 07:23:19 AM
Dito lang talaga sa atin na parang bago at sumunod lang sa hakbang ng US.
Yan nga ang napansin ko kabayan mula pa nung umpisang nag-ingay yung tungk ol sa Binance US. After mga ilang weeks or months yata nagsimula na din umalingasaw ang amoy ng galit ng SEC sa mga unregistered exchanges dito sa atin so parang may ugnayan nga yata ang mga bansa para mapahinto ang Binance sa kanilang operation at kasali na yung iba para hindi masyadong halata. I don't know lang ha para kasing something fishy is happening nowadays given na chekwa may-ari ng Binance. I could be wrong but who knows diba?
Alam naman natin ang mga bansang nakabuntot sa American government , na madalas eh na iimpluwensyahan ang kanilang desisyon and minsan eh  sa udyok na din ng US, bit considering na may ugnayan ang mga bansang ito, ang main objective sana dito is yong makakatulong ba talaga sa mamamayan at hindi lang dahil sa sinabi or ginawa ng US na desisyon eh susunod na agad ang ibang bansa.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bisdak40 on January 29, 2024, 12:03:21 PM
Alam naman natin ang mga bansang nakabuntot sa American government , na madalas eh na iimpluwensyahan ang kanilang desisyon and minsan eh  sa udyok na din ng US, bit considering na may ugnayan ang mga bansang ito, ang main objective sana dito is yong makakatulong ba talaga sa mamamayan at hindi lang dahil sa sinabi or ginawa ng US na desisyon eh susunod na agad ang ibang bansa.

Sana naman sa pagkakataong ito ay hindi bumuntot yong gobyerno natin kung ano man ang desisyon ng US pagdating sa kaso ng Binance.

By the way, kung matutuloy yong tatlong buwang palugit, tanong ko lang, safe pa ba ang whole month of February na pwede pa natin hindi muna kunan yong coins natin na nandoon sa Binance?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 29, 2024, 02:25:43 PM

Mas mabuting ilipat mo na habang mas maaga pa. Pero sa computation ko ng 90 days mula ng announcement nila noong November 29, 2023, papatak ang ika 90 days ng palugit na ibinigay sa kanila sa darating na February 27, 2024. Pero nasa sayo yan kung ililipat mo na ba o hihintayin mo muna na lumipas ang ilang linggo ngayong February. Suggest ko lang ay mas mabuti lang na agapan mo nalang kaysa naman magkaproblema ka pa sa mga susunod na araw o kung sakaling maipit ang funds mo.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on January 29, 2024, 03:56:47 PM
~snip

Sana naman sa pagkakataong ito ay hindi bumuntot yong gobyerno natin kung ano man ang desisyon ng US pagdating sa kaso ng Binance.

By the way, kung matutuloy yong tatlong buwang palugit, tanong ko lang, safe pa ba ang whole month of February na pwede pa natin hindi muna kunan yong coins natin na nandoon sa Binance?
Manigurado ka na lang kabayan baka mamaya magkaroon pa ng problema kapag malapit na dahil sa massive transfer ng funds ng iba nating mga kababayan na may nakalagay pang funds sa kanilang Binance accounts.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: gunhell16 on January 29, 2024, 07:18:07 PM
ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Hindi natin masasagot yan sa ngayon, pero yang dalawang yan talaga ang pinaka malaking katanungan sa ating lahat sa ngayon. Sinabi naman ng SEC PH na handa silang magbigay palugit kung sakaling para makapag comply ang Binance. Pero kahit gaano pa kahabang palugit ang ibigay nila, kung Binance mismo ang hindi gagawa ng action para makapag register sila, bale wala ang lahat ng iyon. Binance lang ang tanging makaka resolba ng sitwasyon nila sa pinakamalaking pangamba nating mga Pilipino sa posibleng pagkakaban nila dito sa atin.

Siguro yung mga una o pangalawang linggo ay halos lahat ng mga lokal nating mga kababayan ay sadyang nangangamba talaga kapag nawala ang Binance sa bansa natin. Subalit sa mga pagkakataon na ito ay napansin kung yung pangamba na yan ay naalis na ng mga pinoy.

Dahil natanggap narin nating if ever man na maban na nga ang Binance ay ayos nalang sa atin, dahil kung yung Binance ay ayos lang na mawala tayo o yung bansa natin sa kanila, edi dapat na tayong pinoy ay mas ipakita din nating mas ayos lang din sa atin kahit wala ang binance tutal ilang linggo nalang matatapos n ayung palugit nila, diba?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: electronicash on January 29, 2024, 08:26:57 PM

pakiramdam ko lang hindi totohanin ng SEC ph yan  ;D
hindi naman cguro sila aasa na magsa-signup  lahat sa PDAX or babalik sa coinsph sa tingin ko mas gugustuhin ng users na magdirect to Maya or Gcrypto kung magkacash out.

pero mas maganda pa rin kung magcomply and binance. bigyan nila ng palihim yan mga yan ay okay na yan. walang lalabaas na update tungkol sa pagblock ng mga exchanges na to. asar talo ang US dyan. sa tingin ko sila lang naman nag-oobliga sa Pilipinas na iblock yan binance at iba pa.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bisdak40 on January 30, 2024, 02:44:18 AM
Alam naman natin ang mga bansang nakabuntot sa American government , na madalas eh na iimpluwensyahan ang kanilang desisyon and minsan eh  sa udyok na din ng US, bit considering na may ugnayan ang mga bansang ito, ang main objective sana dito is yong makakatulong ba talaga sa mamamayan at hindi lang dahil sa sinabi or ginawa ng US na desisyon eh susunod na agad ang ibang bansa.

Sana naman sa pagkakataong ito ay hindi bumuntot yong gobyerno natin kung ano man ang desisyon ng US pagdating sa kaso ng Binance.

By the way, kung matutuloy yong tatlong buwang palugit, tanong ko lang, safe pa ba ang whole month of February na pwede pa natin hindi muna kunan yong coins natin na nandoon sa Binance?
Mas mabuting ilipat mo na habang mas maaga pa. Pero sa computation ko ng 90 days mula ng announcement nila noong November 29, 2023, papatak ang ika 90 days ng palugit na ibinigay sa kanila sa darating na February 27, 2024. Pero nasa sayo yan kung ililipat mo na ba o hihintayin mo muna na lumipas ang ilang linggo ngayong February. Suggest ko lang ay mas mabuti lang na agapan mo nalang kaysa naman magkaproblema ka pa sa mga susunod na araw o kung sakaling maipit ang funds mo.

Salamat sa date na binigay mo kabayan, at least mayroon na akong idea kung kailan nila planong i-ban yong Binance. Pero yong mga coins ko ay nai-transfer ko na sa non-custodial wallet at yong iba ay na-convert ko na into peso, plano ko kasing mag-hold pero wala magawa dahil baka maipit sa paparating na hatol ng gobyerno natin sa Binance.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on January 30, 2024, 05:37:41 AM

Ayan din ang plano ko, pero ang ginawa ko ay convert nalang yung mga altcoin na holdings ko to Bitcoin at pinasok sa ibang wallet. Kung isahan ko kasing iwiwithdraw mapapalaki ang withdrawal fee papuntang wallet na pagtataguan ng coin, kaya napag desisyunan ko na focus muna sa Bitcoin tyaka na ulit sa altcoins para tuloy tuloy lang ang pag hold ko.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: robelneo on February 07, 2024, 11:42:00 PM
Nagpalabas ang Bitpinas ng mga guidelines at pag prepae pag natuloy na ang pag ban ng Pilipinas sa Binance, nakapaloob din sa article ang mga events at mga dahilan kung bakit mababan ang Binance sa Pilipinas worth reading ang article na ito.
Sa totoo lang ang pag ban sa Binance ay dahil na rin sa kanila dahil sa nag take advantage sila sa competition by not getting a license, kaya hindi sila mahahabol ng authorities dito kung magkaroon ng issues ang isang users dajil hindi naman sila compliant.

https://bitpinas.com/feature/prepare-binance-philippines-alternative/
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bisdak40 on February 08, 2024, 04:02:13 AM

Kaya pala hindi mahal ang trading sa Binance dahil sa pagka-unregulated nito. Kung sakaling man ay ma-regulate ito ng gobyerno natin, posible na rin itong magmahal ang trading fees katulad ng PDAX at Coins.Ph.

Pero pinaghahandaan ko na yong possible banning kung sakaling man, na-convert ko na lahat ng crypto ko sa fiat at na-transfer ko na yong iba.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: TomPluz on February 08, 2024, 07:41:14 AM
ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Hindi natin masasagot yan sa ngayon, pero yang dalawang yan talaga ang pinaka malaking katanungan sa ating lahat sa ngayon. Sinabi naman ng SEC PH na handa silang magbigay palugit kung sakaling para makapag comply ang Binance. Pero kahit gaano pa kahabang palugit ang ibigay nila, kung Binance mismo ang hindi gagawa ng action para makapag register sila, bale wala ang lahat ng iyon. Binance lang ang tanging makaka resolba ng sitwasyon nila sa pinakamalaking pangamba nating mga Pilipino sa posibleng pagkakaban nila dito sa atin.

Madaling sabihin na mag-comply ang Binance sa mga alintuntunin ng ating bansa para magkaroon ng legal status ang operasyon ng Binance dito sa Pilipinas...pero depended talaga yan sa Binance kung lamang ba sa kanila ang mga hassles sa pagrehistro. Sa ganang akin mas ok sana kung makipagtulungan ang SEC sa Binance at vice versa para patuloy itong makapagnegosyo dito sa ting bansa. Base sa aking karanasan, mas ok talaga ang Binance sa hanay ng mga tinatawag na centralized exchanges at gusto-gusto ko ang kanilang P2P na talaga namang okey dahil maraming sellers at buyers ang gumagamit nito at integrated ang mga sikat na cash payment platforms tulad ng Gcash at Maya kaya kung convenience ang usapan walang tatalo sa Binance. Sana maglabas ng pahayag ang Binance sa isyung ito.

Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: DabsPoorVersion on February 08, 2024, 12:47:27 PM

Ang tanong naman sa ganyang sitwasyon ay kung makikipag tulungan din ba ang Binance o mag cocomply sila? Parang may nabasa ako last time hindi ko matandaan kung dito ba o sa kabilang forum na may advise daw sa kanya ang Binance regarding sa withdrawal ng assets niya kung sakaling mawala na ang Binance sa atin. Ayon sa message, magbibigay sila ng palugit para mailabas ng mawawalan ng access sa Binance after nila maban. Parang pahiwatig na ito na wala silang balak na mag comply.

Hindi ko sure kung legit o FUD lang ang sinabing iyon, subukan ko hanapin at sana lang ay makuha din akong exact message na galing sa Binance para maconfirm kung totoo ba o hindi.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Zed0X on February 08, 2024, 01:18:13 PM
~
Ayon sa message, magbibigay sila ng palugit para mailabas ng mawawalan ng access sa Binance after nila maban. Parang pahiwatig na ito na wala silang balak na mag comply.

Hindi ko sure kung legit o FUD lang ang sinabing iyon, subukan ko hanapin at sana lang ay makuha din akong exact message na galing sa Binance para maconfirm kung totoo ba o hindi.
Di ba may mga articles dati na sinusubukan na ng Binance makipagtulungan pero nagmamatigas pa din ang SEC. Naalala ko bumisita pa si CZ sa Pinas last year.

Kung sa tingin ng Binance na may hostility ang local regulators natin sa kanila, hahayaan na muna nila yan. Meron naman na silang base dito sa SEA kaya dun na muna sila focus.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on February 08, 2024, 04:34:22 PM
Kaya pala hindi mahal ang trading sa Binance dahil sa pagka-unregulated nito. Kung sakaling man ay ma-regulate ito ng gobyerno natin, posible na rin itong magmahal ang trading fees katulad ng PDAX at Coins.Ph.

Pero pinaghahandaan ko na yong possible banning kung sakaling man, na-convert ko na lahat ng crypto ko sa fiat at na-transfer ko na yong iba.
Ibig ba sabihin niyan kabayan nagbenta ka na ng mga holdings mo ng maaga? O hindi lahat ng holdings mo at yung mga funds mo lang na nasa Binance? Ako naglipat na ako pakonti konti pero may mga natira pa rin ako sa funds ko kay Binance. Sa fees naman, global naman din kasi si Binance kaya kahit hindi kataasan ang fee niya, okay lang dahil ang volume ng customers naman nila ay sobrang dami pero sana lang may magandang balitang dumating soon.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bitterguy28 on February 09, 2024, 05:00:51 AM
Alam naman natin ang mga bansang nakabuntot sa American government , na madalas eh na iimpluwensyahan ang kanilang desisyon and minsan eh  sa udyok na din ng US, bit considering na may ugnayan ang mga bansang ito, ang main objective sana dito is yong makakatulong ba talaga sa mamamayan at hindi lang dahil sa sinabi or ginawa ng US na desisyon eh susunod na agad ang ibang bansa.

Sana naman sa pagkakataong ito ay hindi bumuntot yong gobyerno natin kung ano man ang desisyon ng US pagdating sa kaso ng Binance.
yan din ang sinasabi ko kabayan , sana naman hindi lang mag rely ang SEC natin sa SEC ng America and ang hirap nito sa side nating mga literal na gumagamit ng Binance and for cash outing .

Quote
By the way, kung matutuloy yong tatlong buwang palugit, tanong ko lang, safe pa ba ang whole month of February na pwede pa natin hindi muna kunan yong coins natin na nandoon sa Binance?
tingin ko sa march na talaga tayo dapat mag labas if ever meron ka pang nasa loob ng exchange mate , tingin ko eh mas mainam na bago matapos ang February eh mailabas mona ang funds mo.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: 0t3p0t on February 09, 2024, 08:57:35 AM
tingin ko sa march na talaga tayo dapat mag labas if ever meron ka pang nasa loob ng exchange mate , tingin ko eh mas mainam na bago matapos ang February eh mailabas mona ang funds mo.
Yes kailangan talaga na ilipat ng maaga baka mamaya maipit pa yung funds natin once talagang maimplement na ang banning sa mga di rehistradong exchange. Sapat na ang 3 months na palugit para makapaghanda tayo other than that sa tingin ay risky na lalo na at di pa natin alam ang mga posibleng mangyayari.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Mr. Magkaisa on February 09, 2024, 09:31:54 PM
tingin ko sa march na talaga tayo dapat mag labas if ever meron ka pang nasa loob ng exchange mate , tingin ko eh mas mainam na bago matapos ang February eh mailabas mona ang funds mo.
Yes kailangan talaga na ilipat ng maaga baka mamaya maipit pa yung funds natin once talagang maimplement na ang banning sa mga di rehistradong exchange. Sapat na ang 3 months na palugit para makapaghanda tayo other than that sa tingin ay risky na lalo na at di pa natin alam ang mga posibleng mangyayari.

      -   Sa tingin mo ba yung bybit, okx, bitget ay susunod na sa pagblock ng sec sa Binance kapag natapos na yung palugit na binigay nila sa Binance. Though sa ngayon wala pa namang binabalita o binibigay ang bitpinas tungkol sa bagay na ito.

At dahil nga sa bagay na yan ay parang wala naman akong naaamoy na mababan na ang binance talaga since na ang order ay dapat manggaling sa court not in the SEC dito sa ating bansa. Anyway, para safe lang yung mga funds natin kung meron kayo sa binance ay ilipat na nga ninyo sa ibang exchange for awhile o temporarily.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: BitMaxz on February 09, 2024, 09:44:38 PM

Sa palagay ko walang problema yan kahit ma ban kasi sabi nila pag binan ma baban lang ang binance sa ISP pero pwede ka paring kumunekta sa kanila gamit ang VPN.
Meaning na babypass parin naman ang internet provider kahit palitan lang naman ng DNS pwede mo na ulit magamit ang Binance sabi na rin ng ibang mga nag tetrade sa Binance telegram group.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on February 10, 2024, 08:23:57 AM
Sa palagay ko walang problema yan kahit ma ban kasi sabi nila pag binan ma baban lang ang binance sa ISP pero pwede ka paring kumunekta sa kanila gamit ang VPN.
Meaning na babypass parin naman ang internet provider kahit palitan lang naman ng DNS pwede mo na ulit magamit ang Binance sabi na rin ng ibang mga nag tetrade sa Binance telegram group.
Pinoy ka pala kabayan. Akala ko hindi. Hehe.
Posible naman na ma bypass kapag na ban na mismong Binance website ng ISP pero hindi siguro suggested ang paggamit ng VPN. Kapag ise-search na pwede gumamit ng VPN basta hindi ka madetect ni Binance. Pero sana nga ay payagan din ni Binance at mawala yung parang scare tungkol sa paggamit ng VPN after February 28/29.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: BitMaxz on February 10, 2024, 05:28:48 PM
Pinoy ka pala kabayan. Akala ko hindi. Hehe.
Posible naman na ma bypass kapag na ban na mismong Binance website ng ISP pero hindi siguro suggested ang paggamit ng VPN. Kapag ise-search na pwede gumamit ng VPN basta hindi ka madetect ni Binance. Pero sana nga ay payagan din ni Binance at mawala yung parang scare tungkol sa paggamit ng VPN after February 28/29.
Yun lang problema kung allowed ba mag vpn sa binance pero since before naman wala naman ako problema sa binance kahit naka vpn ako habang nag tetrade sa kanila.
Ang binance clear response tunkol dito at base sa mga naririnig ko na sinasuggest ng Binance na gumamit ng VPN para me encrypt ang traffic para mahirapan daw ang mga hacker na itrace or iretrieve ang data galing sa browser natin pero hindi ito clear kasi nakikita ko lang to sa feeds ng Binance hindi ko alam kung talagang allowed dahil wala din ito sa TOS nila so sa palagay ko pwede. pero for safety ilipat na lang nila mga assets nila sa mga local exchanges.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: electronicash on February 10, 2024, 08:10:27 PM

nabasa ko sa kabila. dun sa indian locals dahil ban rin sa kanila ang binance, nakaka-access pa rin sila gamit yung binance app. so wala pa rin palang problema as long as meron kang app?  ewan ko lang kung hanggang kailan pero baka nga naman hindi kabilang ang apps.

wala pa rin atang balita tungkol rito. pero kung talagang hindi magse-settle ang binance baka mapipilitan talaga tayo gumamit ng local exchange.

kapag-nalaman kaya ng binance na nag-access ka sa kanila gamit yung VPN at taga pilipinas ka, i suspend kaya ang account mo?
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: BitMaxz on February 10, 2024, 08:45:36 PM

Wala tayong alam dahil wala pa silang nilalabas at ewan ko lang kung totoo yung na nasa indian kung kaya pa nilang iaccess ang binance pero naririnig ko din yan na may tiga indian parin ang gumagamit ng binance pero hindi ko lang narinig na nakakaaccess sila kahit walang vpn pero sa apps lang.

Chaka hindi rin  nababanggit or nababalita sa tv tunkol dito pero sa palagay ko naman baka nga yung website lang ang mababan dahil madaling iblock yun sa ISP pero madali parin ma bypass yun kung block nga pag nag palit tayo ng DNS sureball maaacess parin ang Binance kahit walang vpn.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: Mr. Magkaisa on February 10, 2024, 09:43:31 PM

nabasa ko sa kabila. dun sa indian locals dahil ban rin sa kanila ang binance, nakaka-access pa rin sila gamit yung binance app. so wala pa rin palang problema as long as meron kang app?  ewan ko lang kung hanggang kailan pero baka nga naman hindi kabilang ang apps.

wala pa rin atang balita tungkol rito. pero kung talagang hindi magse-settle ang binance baka mapipilitan talaga tayo gumamit ng local exchange.

kapag-nalaman kaya ng binance na nag-access ka sa kanila gamit yung VPN at taga pilipinas ka, i suspend kaya ang account mo?

        -    Talaga, hindi ko alam na pwede parin maacess yung binance gamit yung apps nila, ito bang apps na tinutukoy mo mate ay yung nadadownload sa playstore?  Meron kabang source dito kabayan? parang wala naman akong nabalitaan na ganyan kasi before.

Well, anyway, napaghandaan ko naman na yang bagay na yan. At inexpect ko na hindi na aasikasuhin ng binance ang dapat nilang gawin dito sa pinas na kailangan na hinihingi sa kanila ng SEC. Saka sang-ayon ako sa sinabi ng ilan na parang hindi parin maganda na gumait ng VPN.
Title: Re: 3 Months bago ang possible ban ng Binance sa Pilipinas
Post by: bhadz on February 10, 2024, 11:04:39 PM
Pinoy ka pala kabayan. Akala ko hindi. Hehe.
Posible naman na ma bypass kapag na ban na mismong Binance website ng ISP pero hindi siguro suggested ang paggamit ng VPN. Kapag ise-search na pwede gumamit ng VPN basta hindi ka madetect ni Binance. Pero sana nga ay payagan din ni Binance at mawala yung parang scare tungkol sa paggamit ng VPN after February 28/29.
Yun lang problema kung allowed ba mag vpn sa binance pero since before naman wala naman ako problema sa binance kahit naka vpn ako habang nag tetrade sa kanila.
Ang binance clear response tunkol dito at base sa mga naririnig ko na sinasuggest ng Binance na gumamit ng VPN para me encrypt ang traffic para mahirapan daw ang mga hacker na itrace or iretrieve ang data galing sa browser natin pero hindi ito clear kasi nakikita ko lang to sa feeds ng Binance hindi ko alam kung talagang allowed dahil wala din ito sa TOS nila so sa palagay ko pwede. pero for safety ilipat na lang nila mga assets nila sa mga local exchanges.
May mga nabasa kasi ako na baka maglead sa pagkakaban dahil wala nga TOS nila. Pero kung sila mismo nagsa-suggest baka puwede nga. Kahit na ganun, hindi pa rin ako mag attempt na gagamit ng VPN, siguro itatransfer ko muna mga funds ko bago ko iaccess account ko sa kanila tapos saka ko gagamitan ng VPN para makasigurado. Para kung sakaling di rin naman pabor sa kanila yun, walang funds na mahohostage sa akin.