- sa tingin ko yan lang din ang magagawa ng bansa natin sa joint exploration kasi kung hindi yan gagawin ng bansa natin ay kahit na lumaban pa ang hukbong sandatahan na meron, alam natin sa ating mga sarili na hindi talaga mananalo ang ating bansa, himala nalang siguro kapag nanalo ang bansa natin laban sa ibang bansa.
Itong china kasi masyadong bully sa bansa natin sa mga mamamayan, porke alam nilang hindi lalaban ang bansa natin sa kanila ay sinasamantala naman din nila. Bagay na nakakainis naman talaga.
Yan nalang talaga tapos alyansa pa. May nakita akong balita na pumunta si Pres. Xi sa EU countries kabilang na ang France at nakipag deal siya doon bilang trade partner o basta bilang maging maganda ang samahan nila. Habang ang France naman ay sumasali dito sa bansa natin sa paglalayag sa West Phil. Sea kaya parang ang gulo gulo ng international politics. Mas mainam nalang siguro talaga na magfocus nalang ang mga politiko natin dito sa mga problema sa bansa natin.
France ay palaging sakit sa ulo ng NATO parang Turkey rin yan. hangang ngayon ata naniniwala parin si Macron na military power parin sila gaya ng panahon ni Napoleon. may delimma parin ang mga yan kung kanino talaga sila papanig. kasi wala rin naman silang tiwala sa US. at ang US rin wala ring tiwala sa kanila.
parang Germany lang din na nanghingi ng military support sa US pero hindi pinadalhan ng US ng mga higrade weapon dahil alam nila ang nakaraan ng Germany kaya duda rin ang US baka bumaliktad. nagkapraningan na ang mga yan.
alam nila pag naging super power uli ang Germany baka maging rouge na naman ito gaya ng panahon ni Hitler. sinupress din ng US ang EU. ayaw rin ng US na maging super military country ang mga bansa jan. takot din sila baka lumaban sa kanila.
Sa pagbisita ni Xijin Ping don sa EU ay parang pagmarka ng kanyang mga ka-alyansa kaya medyo nahati ang EU. yung EurAsia ay kung saan dumaraan yung trade route nila at may malaking influence ang China jan kabilang yung Hungary at iba pa.
kaya at this point talaga, dapat balansehin ng BBM kung kanino sya papanig. pero sa ngayon medyo huli na dahil marami ng gusot.