Matututo talaga tayo sa kinatagalan kapag madamk tayong mga losses na natanggap kaya sa ainabi mo na dati mataas ang TP, doon nagkaproblema at maganda dun, narealize mo na hindi pala dapat ganon. Sa ngayon mukhang nakakarecover agad si BTC at baka di na yan babalik sa $62k to $66k.
Totoo yan. Pero mapapabilis ang pagkatuto kung may gagawin tayo gaya ng pagjojournal ng mga trades natin. Makikita kasi natin yung mga maling ginagawa sa ating mga trades. May mga panahon din na makakalimutan na natin yung mga mali sa trades na ginagawa natin kaya may mga pagkakataon na mauulit ang ginagawa nating mali. Kaya ang resulta napapatagal nito ang proseso para maging profitable sa trading.
May point ka pero kahit na ganun yung maganda, madaming mga traders lalong lalo na ngayon na mga baguhan ang hindi ginagawa yan.
- Kung before sa analisis ko ay magiging peak down price ni Bitcoin ay nasa 50k$ pero hindi nagyari dahil hanggang 56k$ ata yung binaba na sagad nito ngayon sa ngyari ay nakarecover siya ay tingin ko naman ay mahihirapan ng bumaba ng 60k$ pa ulit si Bitcoin para sa correction siguro yung pinaka-magiging mababang price na pwede nitong abutin ay nasa 65-66k$ nalang.
Dahil maaring ang susunod na tatargetin na ihit naman ngayon ni Bitcoin ay 80k$, ito naman yung parang nakikita ko sa aking prediction analisis ko, kasi ngyayari na sa bawat buwan ay magkakaroon talaga ng pag-angat na bago sa price ni Bitcoin.
$80k nga ang next target ng karamihan hanggang sa paunti unti ng umabot sa $100k. Naalala ko yung may words na hindi na natin makikita yung mga certain prices at sana nga hindi na natin makita yung $50k at pasulong at paangat na ang galaw ni BTC. Ayaw ko muna isipin yung bear market na sobrang dami ng posibilidad sa mga mabababang prices.
Balikan natin to, hehehe nakita natin ang $50k ulit, pero buti na lang naka bawi na tayo sa ngayon. $54k ang lowest this month pero ayun, pagtapos ng pagbenta na ng German government eh unti unti tayong nakabangon at pumalo pa nga sa $68,500 at akala ko makaka balik tayo sa $70k na.
Pero ganun pa man ang kagandahan sa market sa ngayon at dahil nasa bull run na tayo eh nakaka balik agad ang presyo. So $80k parin ang dapat nating target. Maaring hindi makuha this month as 1 week na lang. Pero mahaba pa ang taon kaya baka ma unlock din natin to bago matapos ang taon.