Yun ang gusto nila, magpanic ang mga weak hands. May nakita lang akong balita parang $200+ billion dollars ang cash ni Warren Buffett ngayon at ready niyang ibili ng kung anong stock na gusto niya. Parang magsusunuran ang mga tao sa kaniya.
Ito ba yon ang dahilan kabayan kung bakit bumagsak ng husto yong presyo ng bitcoin? Parang nakakatakot kung mayroon kang malaking portfolio tapos ganito ka-abrupt yong mangyaring pagbagsak ay siguradong kakabahan ka talaga pero good news na rin to sa mga taong gusto pang bumili ng bitcoin. Babagsak pa kaya to sa $40K+?
Hindi ito ang dahilan sa pagkakaalam ko at hindi ko maisip na si Warren Buffett ay mag-iinvest sa Bitcoin lalo na alam natin na isa siyang value investor at long-term investor din. Para sa kanya, walang value ang Bitcoin kaya sa mga stocks lang siya nag iinvest. Wala akong nakikitang direktang koneksyon sa balitang ito at ang pagbagsak ng Bitcoin. Di ko alam ang dahilan pero ang importante ay nakabili ako kahapon sa napakababang halaga (nasa $52,000).
Presyo ng Bitcoin papunta sa $40,000? Pwede pero mababa ang chansa sa pagkakaalam ko.