Ang lakas ng India at maganda ang economy nila. Mura mga bilihin at sila sila din nagtutulungan, isa sa may pinakamalakas na army at nakikipagbuno din sa China yan sa borders nila sa Himalayas. May paninindigan din kasi ang leader pero hindi purong bruskuhan ang gusto dahil kahit na may tensyon sila sa mga borders nila laban sa China, yung trade nila sa isa't isa ay hindi nila sinasakripisyo. Kawawa lang ang mga kababayan natin sa panahon ngayon, ang layo ng focus ng administrasyon na ito, ang hirap lang magsalita at sa totoo lang, walang kwenta yang AKAP na yan dahil may 4PS na palpak din naman. Huwag puro ayuda ang gawin dahil mas malaki ang commission ng mga nagpapatupad niyan lalong lalo na sa congreso at senado at baka sa higher position pa.
Yeah sobrang laki talaga epekto ng pamamahala na ang tingin eh posisyon lang at duda kasi ako dyan sa ayuda na yan eh though isa din ako sa beneficiary since hindi naman ako mayaman but I think the administration is teaching the masses to become dependent and lazy hindi sa sinisiraan ko plano nila ah but nasesense ko kasi na parang paghahanda na ito ng boto para sa next presidential elections I don't know kung mali ako pero parang ayaw nila na mawala sila sa pwesto eh kaya yung mga kalaban nila ay iniisa-isa na nilang pabagsakin ngayon palang biruin nyo taas noo pa nga na sinabi na hindi ibibigay kahit isang inch ng territory eh yung aggressor nasa dagat ng Zambales na at nasa loob na mismo ng Pilipinas, may gumagala pa at naghahasik ng lagim sa kalupaan natin, may nakaupo pa sa pwesto na mga kampon ng chekwa at rebelde. Tayong mga tax payers talaga ang kawawa dito dahil tayo ang ipit.
Ito pa yung mga bansang may planong magpalaganap ng terror sila pa yung mga nakatutok sa mga gyera para mag-obserba kung anong mga teknolohiya ang ginagamit, modification, strategy para mapagpundohan nila at maimprove kung ano yung mas effective kaso ni cyber warfare natin weak eh kaya napepenetrate sobrang dami kaya mga magagaling na Pinoy hackers wala nga lang support kaya watak-watak same sa mga local scientists natin.
Kung ako tatanungin, handa ba akong lumaban para sa Pinas incase a war will broke out? Of course walang choice eh though I am not a reservist but may konting kaalaman narin naman ako about survival, basic weaponry like rifle, handgun basta yung nasa PUBG hahaha alam ko naman na luge tayo in terms of war against a super power pero syempre Pinoy tayo eh papatay muna tayo ng marami kaso baka ipadala din nila yung robot dogs nila at drones eh di mag-ipon na lang pala tayo pangvisa or passport at magpunta sa India or iba pang lugar na kayang depensahan yung sarili at hindi basta-basta masasakop na lang. 😆