May ginawa ka ba para makapag loan agad ng ganyan kalaki? kasi sakin ang sinasabi eh laging hindi pa daw ako pwede .
Wala actually, regular ko lang siyang ginagamit, for paying bills lang actually. Di bale ang flow ng pera, cash in then pay bills, this is about the account. About sa loan, nag try lang ako since subject for approval pa kase kaya 60:40 pa yung magiging status ng application mo. Kase nag try ako before, di na approved last year ata yun, last quarter. Then nakita kong pwede na ulit kase lumabas na yung button, then nag try lang ako tapus na approve.
Ok, kasi nga ako hindi na active sa paggamit ng apps nila, pero dati active ako yan gamit ko at hindi Gcash. Pero nag move na ako sa Gcash kasi simula nga ng naexperience ko to.
At katulad ng nasabi ko 5k PHP lang ako jan at minsan yan ang gamit ko pag emergency lang at ibabali ko agad in matter of months.
Before naman muntik na akong madismaya sa gcash, pero kalaunan naman ay inimprove naman nila at balak ko na nga din na lumpita sa maya, so ngayon gcash parin ang madalas kung gamitin sa mga billings ko, kaya siguro nakapagloan na ako ng 5x na ata sa gcash at pinaka mababa na inutang ko ay 5k at ang pinakamalaki naman ay 20k pesos.
kaya sa ngayon ay wala naman akong problema sa gcash, kahit naman sa Maya apps bagaman madalang ko lang ito na magamit, at kapag meron akong voucher na narereceived sa maya ay pinambibili ko ng crypto sa features nito. Kumbaga nakakaipon ako ng crypto sa maya na wala akong pinapasok na pera sa kanila sa ngayon, ganun lang.