Tingin ko lilipas din yung trend na yan kaya sulitin mo na kung active ka din lang naman dyan at wala ka masyado pinagkaka-abalahan ngayon. Sa akin kasi, mas valuable yung longevity ng cp ko kesa sa rewards na pwede makuha from draining battery.
Subok naman talaga na lilipas yung trend lalo na dito sa crypto gaya ng ICO, NFT, MEME coins. Lahat naman sila sa umpisa napakatrending nila halos lahat ng mga investors nasa kanila na pero ngayon bumalik sa normal ang lahat pero patuloy pa rin naman nagmomove forward ang mga ito. Ganyan din sa mining app, trending ito ngayon dahil sa Notcoin pero hindi magtatagal babalik din ang lahat sa normal. Pero nagbabakasakali lang kasi tayo na baka may makuha pa tayong malalaking rewards sa ibang mining app, wala rin naman kasing mawawala kapag susubukan. Hindi rin naman issue yung drainage ng battery kasi hindi naman ito mabigat.
Well yeah nakadepende talaga kung ano yung trend or hype at alam na natin yun na kapag may nalaos may papalit na bago at minsan bumabalik yung luma paswertehan na lang talaga at pabilisan ng kamay para makajump-in ng mas maaga. This year kasi di ko pa natry na kumita sa airdrop kakabalik ko lang kasi.
Sigurado kikita ka ngayong taon or next year sa pag-aairdrop kasi ang alt season ay malapit na talagang mangyari, lahat ng mga airdrop na sinalihan na hindi masyadong malakas na project ay siguradong hahatakin pataas. Kakabalik ko lang din kasi sa pag-aairdrop at kumita naman ako ng maliit pero okay na rin sa akin kasi wala namang nilalabas na pera. Hinohold ko muna sa ngayon kasi maliliit pa value, benta ko nalang kapag mangyayari na talaga pinakahihintay natin.
Well mas maganda nga na ihodl muna yung mga airdrops tokens since may posibilidad na magkaroon ng Alt season ngayong taon or next yesr. Tiba-tiba talaga mga holders if ever na tataas ang presyo since kadalasan malaki bigayan ng mga airdrops.
Kaya mas mabuti talagang may mga holdings tayo kahit papano para makabenepisyo sa altseason. Kapag marunong tayong manaliksik at sinisipagan natin siguradong malaki makukuha natin sa mga airdrop. At kapag pinasok ito ng mga whales siguradong aabot ito ng 6 digits. Gaya nalang sa nangyari sa Notcoin ngayon, pagkatapos binenta ng karamihan ang kani-kanilang mga tokens ay nag x3 ang presyo nito. Pano pa kaya kung altseason na. Kaya para sakin ang pagsali sa mga airdrops sa panahon ngayon ay isang malaking oportunidad.
- Sa tingin ko parang nabawasan na yung hyped sa airdrops mate, though, mukhang kadalasan naman din ata ay nagtetrend lang ang airdrops kapag bull season pero kapag bear market ay walang gaanong airdrops na nagaganap sa field ng crypto space.
Kaya nga mas gusto ko nalang bumili ng mga inaakala kung merong potential na cryptocurrency na may potential umangat ng 10x-200x na ulit sa small capital lang ay mas maganda na yung ganitong diskarte, like mga 30$ lang basta several crypto potential in the future kapag nagrally na ang price ni bitcoin sa merkado.