- Ako ang ginagawa ko kasi ay kung magkano yung bilang na naipon ko ginagamit ko sa pagbili ng mga combo card ba yun kung tawagin at araw-araw naman ay may nakukuha akong mga card at nakakacombo din naman kahit papaano dahil kahit papaano ay nakikita nadadagdagan naman yung profit per hour ko sa bawat pag-upgrade ko sa pamamagitan ng combo.
Kasi akala ko nung unan kung ano yung naiipon natin na coins sa pagtap ay yun ang maaring makuha na bilang sa airdrops, pero mali pala ako ng pagkakaintindi, dahil ang pagbabatayan pala ay yung profit per hour hindi yung kabuuan na bilang na nakukuha natin sa pagtap. Pero tama ka din naman yung iba ang mahal ng price mga milyon ang halaga, kaya kung ano lang yung kaya ng balance ko yun ang inaupgrade ko.
Kung aasa lang tayo sa tapping bro kahit tumutok tayo maghapon sa kakatap di tayo makakaabot ng milyon kaya ganun talaga ang strategy kaya nga ako pag nag upgrade ako halos ubos yung earnings ko pero di naman lugi kasi kada log ko ang laki ng claims ko.
Ang tanong kailan kaya natin mai tatransfer ang mga naipon natin na coins kasi habang nasa platform pa nila di natin pwede maituring na atin talaga ito baka magka bug at mawala lahat, so far sobrang laki ng members nila kaya minsan ang hirap makapasok kapag mahina ang signal mo.
- Yun ang magandang tanung talaga dyan, baka mamaya nyan mauwi lang sa kabiguan itong mga pinaggawa natin, yung ineexpect natin ay mapalitan ng pagkainis at pag-iisip ng hindi maganda, dahil siempre sayang effort at time, diba?
Tapos ang worst, madami na namang mga pinoy ang mag-iisip na scam nga talaga ang cryptocurrency o bitcoin, damay na naman lahat ng cryptocurrency dahil sa ganitong mga pakulo na hype, at kapag ngyari ito malamang dito narin matapos yung hype sa tap mining.