Ang maganda sa may funds talaga, meron kang nakalaan para sa long term at meron ka din namang puwedeng ilaan para naman sa short term. Kaya win win talaga yung nasa ganyang sitwasyon kaya mas madali lang sa kanila ang magparami ng pera lalo na kung nakapaghanda sila. Kaya sa mga kababayan natin na nagsisimula palang, maging wais lang talaga sa desisyon at huwag na magpadala sa mga pangit na balita kasi kahit anong mangyari, isa lang ang direksyon ni BTC at yun ay papataas.
Tama kabayan, pwede sila mag-apply ng iba't-ibang investment style. Pero dahil mahirap lang tayo at konti lang talaga ang funds natin mas mabuting aralin muna ang pag-iinvestan natin bago natin iinvest yung mga pera natin. Sayang kasi ang pera natin kung hindi natin aaralin ang isang coin kasi may iba tayong pwedeng gamitan sa pera, lalo na yung emergency. Isa din sa masasayang yung time at effort natin, na sana inilaan nalang natin sa ating mga pamilya o sa importanteng bagay.
Yun talaga ang dapat gawin ng isang investor. Maging sigurista lang din sa gagawin kahit na may risk ay dapat inaalam bago pasukin. Mahirap na magtiwala na walang alam pa tayo kaya mapalad lang din tayo dito na may mga experience na sa bear at bull market. Dahil alam natin kung okay ba mag invest o hindi pero sa mga long term, hindi na problema yan. Bili lang sila ng bili.
Pwede naman talaga yung ganyan setup, basta masinop ka sa investment natin sa Bitcoin, pwede yan. Sarap talaga lang nung pandemic, talagang nakapag ipon tayo dahil lockdown naman tapos may ayuda hehehe.
Pero ngayon iba na balik na tayo sa normal kaya nga sabi ko kailangang maging matipid tayo at hiwalay ang pang gastos sa perang pag invest natin sa Bitcoin at hold lang long term.