Resistance ni BTC ngayon $64k. Madaming optimistic sa month na ito ng October dahil dito madalas yung build up ng price ni BTC tuwing bull run. Ngayon back to $63k tayo mukhang magiging ok ang week na ito pero madalas naman ganito tapos baba din bigla.
Sa tingin ko maglalaro ang ranging ng price ni bitcoin sa pagitan ng 63k-64k$ at siyempre pagnabasag ang 64k$ ang susunod naman ay ang 65k$. Saka tama karin na maganda ang galaw ni bitcoin now, dahil yung set up ko sa futures ay malaki na ang nabawas sa loss ko at konti nalang mababawi ko na.
Kapag lumagpas kasi ng 64k$ yan ay magsisimula narin yung TP ko sa futures papunta dun sa sinetup ko, kaya malamang mamayang gabi or bukas ng umaga ay posibleng mabasag na yung 64k na resistance nyan.
Good luck sa TP at setup mo sa futures kabayan. Iwas ako sa futures dahil di ko kaya yung risk niyan pero kung fofocusin ko siguro kakayanin pero mas mainam na huwag nalang dahil kilala ko din naman ang sarili ko at mas okay na umiwas nalang. Ang bilis pala ng October at malapit na agad tayo sa 1/3 nitong buwan na ito at masyadong madami na din ang nangyayari pero hindi siguro ito yung expected ng karamihan na pump na inaantay natin ngayong buwan.
- Pagpapakita lamang talaga na unpredictable ang market, biruin mo yung expectation ng karamihan na positively na aangat na ang bitcoin ay biglang binigo sila o tayo na magkakaroon pala ng fake breakout sa price value ni bitcoin.
Pero ganun pa man, may mga pinagbabatayan naman kasi yung ibang mga traders kaya alam nila kung san sila poposisyon ng long at short, at yun ang bagay na hindi natin pa nagagamay sa ngayon, kaya nga kung alanganin talaga ay maghold nalang muna talaga ang best way para huwag magsisi sa huli.