Ang ganda na nang pagtaas nitong mga 3 araw ah, akala ko magtuloy tuloy na at umabot sa $68k, at least na break na natin yang mental barrier na yan although hindi nag-hold. Pero ganyan naman talaga, pag na reach na natin ang certain level, may nagbebenta para kumita.
So far nasa $66k-67k tayo, maganda ganda na tong price na to at mahaba haba pa ang October at baka ma reach ulit natin ang $68k at magtagal dun. Tapos US election na, tingin ko ito ang catalyst na inaantay natin.