Ang ganda na nang pagtaas nitong mga 3 araw ah, akala ko magtuloy tuloy na at umabot sa $68k, at least na break na natin yang mental barrier na yan although hindi nag-hold. Pero ganyan naman talaga, pag na reach na natin ang certain level, may nagbebenta para kumita.
So far nasa $66k-67k tayo, maganda ganda na tong price na to at mahaba haba pa ang October at baka ma reach ulit natin ang $68k at magtagal dun. Tapos US election na, tingin ko ito ang catalyst na inaantay natin.
Umabot pa yata tayo ng $69k kung hindi ako nagkakamali, pero pag tapos ng ganung kataas eh nag take profit siguro at balik na naman tayo sa $67k, hehehehe.
So ngayon talaga very volatile parin ang market, may 1 week pa naman tayo ngayon buwan na to at positive pa naman na 5% increased natin ngayon buwan. So talagang tyagaan parin ang ipon ipon pa tayo.
Yung sitwasyon ngayon, iba na talaga kumpara sa mga nakaraang weeks. Sa kasalukuyang merkado sa aking assessment ay pwede paring bumaba sa ng around 65k$ tapos bounce ulit papuntang 69k$ yan yung nakikita ko na trend nya for the short position.
So, this it is still a good opportunity parin na makapag-ipon at bumili ng mga coins na sa tingin natin ay makapagbigay ng profit, therefore bullish parin naman talaga tayo yun ang facts na nakikita ko sa ngayon talaga.
Halos same lang tayo ng analysis sa market kabayan, posibleng bumaba ng 64k o 65k ang presyo bago magpatuloy sa pag-angat ng presyo. Para sakin kasi nagkaroon na ng break of structure o sa ibang term binasag na yung resistance ng flag pattern. Kung hindi nyo ito napansin subukan nyong pumunta sa weekly tf makikita nyo dun, kaya sa tingin ko lagpas pa ng 69k kundi nasa almost $100k.
Okay naman din na bumili ngayon depende sa tao. Pero kung ako tatanungin, mas pipiliin kong maghintay na muna kasi may ibang alts na napakalayo ng ibinagsak kapag babagsak ang Bitcoin tapos magiging konti nalang profit mo dahil ang bounceback ng presyo malapit lang sa buying price mo.
Wala namang nangdidikta sa kaninuman sa atin dito kung ano ang gusto mong gawin, ito share ko lang yung teknikal analysis na meron ako since na day trader naman ako kaya gusto ko lang magbahagi ng aking teknikal analysis, hindi ko ginagarantiya na ito talaga yung ibababa nya gusto lang kita o sinuman na bigyan ko ng idea kung ano ang ngyayari now sa merkado. Kaya yung dalawang na nakikita sa ibabang larawan ay yan yung pwedeng magbounce ulit pataas ang price ni Bitcoin either itong magdamag na gabing lilipas o bukas.
Its up to u or to others kung paniwalaan nila ito, basta ito yung nasa isip ko talaga. Since na alam ko naman yung ginagawa ko, ngayon yung since na alam din naman nila sa kanilang sarili na hindi pa ganun ka enough yung knowledge nila kaya para safe nga naman hold nalang ang gawin nila.
