Antay antay lang din talaga sa alts, hehehe, malay natin next year sila talaga hahataw, tingnan na lang natin ang Ethereum for example, ang Bitcoin eh nakailang ATH na samantalang ang Ethereum eh wala pa tong bull run na to.
Pero nakikita ko rin na next year, pag upo ni Trump unti unti ring babawi ang mga malalakas na alts at magkakaroon na rin to ng mga bagong all time high kaya wag mo muna i dump sa ngayon.
Yeah tama kabayan since si Trump ang dahilan nung biglaang spike noong November hindi malayong yan din mangyayari the time na official na silang umupo sa white house. Parang masyado pang maaga para magdump ngayon since hindi pa sagad yung Altcoin index at ang year 2025 ay bullish yan kung titignan sa cycle ng Bitcoin so malamang kasama na dyan ang Altcoins.
- Siguro linawin muna natin ang mga bagay na usapin dito mate, yung pag-upo ni Trump sa January o February ba? hindi ito nagbibigay ng guarantee na aangat nga talaga yung price ni Bitcoin o ng ibang mga cryptocurrency. Kung meron man nagsasabi na aangat yung price ni bitcoin lalo, opinyon na yun ng sinuman, okay.
Kasi yung pag-angat ng price ni bitcoin during time na bago magkaroon ng bilangan sa US election may reason kung bakit nagrally si Bitcoin na sinundan naman ng ibang mga top altcoins sa merkado. Pero yung effectivity ng pag-upo ni Trump bilang unang araw ng pagkapresidente nya next year ay ano yung magiging reason nung pag-angat ni bitcoin? dahil ba yun sa unang araw ng pag-upo nya bilang presidente? kasi kung Oo ang sagot, aba teka lang, hindi ganyan nagpafunction ang galaw ng market price ni bitcoin. Kasi parang ang nangyayari hinahype yung ibang community na maniwala na sa pag-upo ni Trump sa unang araw ng pagkapresidente nya ay tataas ulit yung price ni bitcoin o magrarally, ganito yung parang nakikita ko sa ibang o karamihan na crypto community.
saka hindi sa ayaw ko na umangat ang price ni Bitcoin, siyempre gusto ko yun, dahil damay yung mga potential alts natin na hawak, pero for the sake of the arguments ay nililinaw lang natin yung usapin dito. Basta tandaan lamang natin na unpredictable ang market.