Kapag mabasag ang $96k baka yun na yung sign na babalik na ulit sa $100k. Mukhang yun nalang naman ang hinihintay natin. At totoo yan na madami dami din ata na tama ang naging analysis at mas napatunayan nila yun kung inapply nila sa mga trades nila. Basta close lang ulit sa $90k tapos kung umabot man sa price na yan, hindi naman agad agad nagtatagal umaatras ulit pabalik below sa price na yan.
Isa ako sa mga naghintay na bumaba ang presyo ng hanggang $75k, pero dahil sa napakalakas ng demand nitong nakaraan ay hindi nakaabot ang retracement dyan. Sa pagkakaalam ko bumaba lang ito ng around $78k at umakyat ulit pataas. Makikita din natin sa weekly time frame na may napakalaking rejection na kung saan isang senyales na madaming buyers sa area na yan. Hindi man umayon yung presyo sa analysis ko pero nagkaroon pa rin ng napakalaking retracement. Maganda yung bawi ng presyo, kaya isang pagkakataon ito para sakin na makapag-invest.
Oo $78k yung pinakabottom at mukhang hanggang doon nalang. Okay na din yan kung yun yung pinakamababa na makikita natin sa cycle na ito tapos pataas na ulit. Ayos lang din naman yan kung yun yung analysis mo, malapit pa rin naman as pinakabottom pero yun nga lang hindi ka siguro nakabili noong medyo bumaba na siya.
Oo kabayan, hindi ako nakabili kasi hinintay ko talaga, hanggang tingin nalang ako sa pag-akyat ng presyo. Hindi na rin ako umasa na bumaba pa ang presyo ng $75k. Pero planning na bibili ako kahit konti sa mga alts dahil maganda naman yung structure ng Bitcoin. Hindi lang talaga ako bumili agad sa pag-akyat kasi yung mga tao parang nagpanic din. Naghihintay lang ako ng opportunity na makapagbili.
- Well, sa ngayon ang nakikita kung pinaka-support nya ay nasa 78500$ pagbumaba pa dito ay pwedeng sumagad ito ng 72900$, so far itong magdamag na ito pwedeng umangat siya ng 94300$, tapos down ulit papuntang 82k$ up to 78k$+
Very unpredictable parin talaga yung market sa ngayon dahil katatapos lang nga diba ng news at parang wala naman tayong nakitang dahilan para magkaroon ng malakas na impak para umangat talaga, though were still bullish parin naman.
medyo makalat lang yung analysis na ginawa ko sa image sa ibaba;
