- Katulad nga ng sinabi ni @Baofeng wala ng epekto yang pagbagsak ng price ni bitcoin sa mga long-term holders ni Bitcoin. At siempre makakaapekto lang naman yan sa mga mababaw pa ang kaalaman sa Bitcoin.
Diba nga sa mga may malalawak na paniniwala sa Bitcoin isa pa ngang good news ang pagbagsak ng price nito sa merkdo dahil yun ang pgkakataon nilang bumili at maga cumulate nito habang wala pang bull run.
Ako long term ako pero ewan ko ba na parang ayaw kong nakikita na bumababa ang presyo ng BTC. Kasi bumababa din value kapag tumitingin ako sa portfolio ko pero katulad nga ng sabi mo, kapag bagsak ang market, panahon yan para mag accumulate. Ganyan lang talaga ang buhay ng holder at kung ano ang maganap ay sunod lang din tayo kung ano ang mangyari, kung sino ang pinaka mahaba ang pisi ay siya ang wagi.
Normal lang naman talaga na hindi tayo magiging masaya kapag bumagsak ang presyo ng Bitcoin lalo na kapag may holdings tayo. Kaya lang tinitake advantage ng iba ang pagbaba ng presyo kasi pagkakataon na ito para makabili ng mura. Pero yung mga natutuwa talaga sa pagbagsak ng presyo ay yun mga wala pang mga holdings, sigurado yan

, lalo na yung alam nila na ito na talaga ang pagkakataon siguradong mapapahiyaw mga yan sa tuwa. Pero sa kalagayan mo kabayan, hayaan mo lang yan emosyon mo at huwag magpadala, at stick to your plan pa rin.