Sobrang dami sa totoo lang na hindi pa tumataas kaya hangga't maaari ay bumili nalang ng mga alts na sa tingin mo ay makakabawi ka. Ang hirap naman sa ibang mga kababayan natin ay gusto na 1000x agad yung kikitain nila kaya sa mga bgong memecoins sila nagiinvest. Ako medyo ingat lang ako sa mga yan dahil sobrang lala ng pump and dump ng mga coins na yan lalong lalo na ngayon at alam nila madaming nagsisitalunan sa mga memes. Totoong may pera sa memes pero kung mabagal ka, baka masayang lang ang pera.
Sa mga ganyang meme risky yan napaka volatile pero may talagang tumatalon ng mga 1k times pero hindi naman tayo manghuhula para malaman natin kung anong meme ang papalo ng ganyan.
Kaya saakin idiversify mo sa ibang mga investment o crypto yung pang iinvest mo sa meme o kahit mga 5% lang muna sa kada meme na nagugustuhan mo atleast hindi mo na miss kung anong meme yung biglang tatalon ng 1000x.
- Yung mga nag-iisip ng 1000x ay masyado namang greed yung ganung uri ng crypto investors, yung ngang mga inaaccumulate ko na ibang meme coin na kasama naman din sa top at least ay iniisip ko lang na posibleng magx 200 to 300x lang.
Tapos yung iba 1000x grabe naman yun, masyadong too good to be true na yun, saka kahit madaming nagsasabi na shitcoins ang mga yan ay madami narin naman kasing kumita ng malalaking halaga sa meme coins talaga kahit na panandalian lang nagexist dito sa crypto space.