Totoo yung balita na yun kabayan tungkol kay Gensler. Kaya din nag pump ang market dahil ang confidence ng mga tao kapag naalis siya, mas magiging maganda ang takbo ng market. Kaya ang mahalaga sa ngayon ay kung pupuwede maghold lang mag hold dahil may mga maliit lang naman na correction na nangyayari. At parang doble ang galaw ng news sa US, so Gensler saka Trump kaya kaabang abang ang buwan ng January pero parang effect niyan pwedeng after na so mga February siguro, hulalysis ko lang. 
Kung ganun, magandang balita nga yan, kapag hindi na si gensler yung chair ng SEC sa US. Yan lang naman ang nagiging tinik nating mga crypto community sa nakaraang admin ni biden, diba? At nasaksihan natin yan sa mga balitang nababasa natin sa bagay na yan.
Sana nga mangyari yan, dahil magiging madali para kay Trump na maisakatuparan yung mga advocacy na binitwan nya during election tungkol sa bitcoin o cryptocurrency kung talagang seryoso siya dun.
Kita natin sa nangyari sa market, biglang naging positive bigla at nag reflect kay Bitcoin at sa iba pang mga altcoins. Kaya sa balita palang maganda na nangyari lalo na kaya kapag nagbitiw na yan at sana wala ng bawian. Kaya dalawa sa ngayon ang hinihintay natin, pag upo ni Trump at saka yung pag bitiw ni Gary.
Natatawa naman ako sa pinag-uusapan natin dito kay Gensler pag naging effective na yung resignation nya ay parang yung buong crypto community ay magcecelebrate sa pagkawala nya hehehe... Wala tayong magagawa eh kontrabida siya sa ginagawa natin dito sa bitcoin at crypto industry eh.
Malas nya pro bitcoin si Trump na new President ng US, pero kung hindi si Trump nanalo for sure hindi yan magreresign, mananatili parin yan dyan, kaya lang hindi nga ganun ang nangyari kaya kesa mapahiya siya inunahan na nya or nagkusa na siya kung totoo man talaga yung balita na yan.