Waiting nalang sa oras na yan at baka lahat ng mas mataas pa sa $100k na nahit ngayong buwan ay baka mas mataas pa next year. Kaso ang nakakatakot lang din kasi ay parang greedy na ang lahat at kapag ganito nangyayari baka biglang bagsak lang din ng market na hindi natin inakala. Kaya may pag iingat din pero nag aabang din naman para ma reach yung panibagong top para sa cycle na ito at baka sa 2025 na lahat yan.
Hindi naman ganun kabayan, pano mo masasabing greedy kung meron naman target price kung kelan nila ibebenta yung kanilang mga holdings? Pwede pang masabing greedy kung wala siyang goal na price target dahil ang pagbabatayan ng holders yung tinatawag na pakiramdam portion malamang kapag ganun nga talaga yung nagyari.
Basta sigurado naman ako na madaming ganap talaga ang mangyayari sa taong papasok na 2025 at ito ang dapat nating paghandaan talaga kahit papaano din naman.
Yung pinagbasehan ko lang kabayan yung fear and greed index. Kapag sobrang daming greedy parang babagsak bigla at mukhang nangyari nga ngayon at nagkakaroon tayo ng correction. Tama ka diyan kabayan na yang index ay hindi dapat ikabahala kung may target prces naman. Hinahanda ko na din sarili sa 2025 at hindi lang diyan sa taon na yan pati na din mag advance sa next cycle para mas madami daming maipon kahit papaano.
Ah okay, inisip ko kasi na literal yung greed na sinasabi mo, bagkus fear and greed pala yung pinagbasehan mo. Anyway, sa ngayon talagang nasa correction na tayo, kung tama ang aking pagkakabasa sa ngayon yung support natin ay nasa price na 90k$, kung magpapatuloy sa lalim ng liquidation ang mangyayari ay kapag nabasag yang 90k$ pababa, pwede pa yang magpatuloy sa 83k$ something. Ito ay kung tama yung basa ko ah.
Kasi kung titignan mo yung 1 day time frame ito yung pwede nya talagang puntahan. At malamang ilang buwan itong correction, at sa ilang buwan na posible nating kaharapin sa retracement na ito ay siya namang pwedeng pumasok ang altcoins season paunti-unti, kaya lets be senstive sa bagay na ito. Dahil alam ko madami sa atin dito ang nagrerely kahit pano sa mga altcoins na hinahawakan natin.