Kailan ba daw bigayan sa X empire?
Wala pang definite na petsa kung kailan ang bigayan kabayan pero sabi sa kanilang announcement sa telegram ay sa October 24 na daw yong listing sa mga exchanges kaya palagay ko baka sa susunod na buwan na yong bigayan sa airdrop.
Sa account ko ay mayroon ng computation kung magkano ang makukuha ko at base roon ay pang-kape na naman yong makukuha ko kaya stop na lang ako sa mga pa-airdrop sa ngayon kasi sayang sa oras at pagod.
Sang-ayon sa aking pagkakaintindi ay oct 23 pwede ng mailagay natin sa apps mismo ng x empire yung uid natin sa exchange at yung wallet address kung san ito malilista na top exchange.
Pagkatapos sa October 24 naman ito papasok sa wallet address na exchange na ating binigay sa kanila. Hindi ko pa nga lang alam kung pwede naring matrade sa date na ito. Kung ikaw ka presyuhan ng pangkape yung matatanggap mo ako dagdagan mo lang ng pandesal pansawsawan sa kape, lamang lang ako ng pandesal sayo hehehe, anak ng putakte naman yang mga airdrops na ito, mas maganda pa atang bumili kana lang after na malist sa exchange kesa ganito na nag-aksaya tayo ng araw at oras at kuryente.
Kung may pera lang talaga sana pang-invest hindi na sana tayo umaasa sa airdrop na gumugol ng napakaraming oras. Yung iba nagpupuyat pa para makakuha lang ng malaking shares pero at the end of the day pangkape lang pala. Kung mag-iinvest man lang, huwag ka na dun sa nag-aairdrop kasi kadalasan dump ang mangyayari after ng listing dahil ang ginagawa ng karamihang nakatanggap ng airdrop ay ibinebenta ito. Mas mabuting maghintay ng ilang weeks bago mag-invest sa naturang project.5
Tama ka kabayan, kung may pera lang sana ay mas mabuti na mag-invest na lang kaysa aasa sa airdrop dahil ang daming oras na masasayang. Sa experience ko ngayong taon, sa DOGS lang ako nakatanggap ng malaki-laking airdrop ng wala masyadong pagod pero sa iba, pagod at pangkape lang yong binigay.
Parehas tayo, yung sa Notcoin before hindi ko pinansin dito yun, kaya nung nabalitaan ko ganun nangyari sa NOT, para akong nanlumo at nanghinayang talaga. Parang naging sarcastic pa nga ako nung time na yun.
Pero ganun pa man ay lesson learn naman ako at napagbigyan naman ng pagkakataon sa Dogs naman ako nakakuha ng airdrops na nagbayad at mabilis pa , ganun lang naman yung naranasan ko at pagkatapos nito ay wala ng sumunod pa na nagbayad na airdrops na mga nasilip ko rin before at hininto ko rin recently lang din naman.