Malapit na kasi yung distribution ng airdrops nila kabayan. Maganda kasi yan kasi wala ng ibang gagawin kundi kumpletuhin lang yung task at makakakuha ka na ng points. Meron syang similarity sa DOGS dahil hindi na kailangan maghirap ng mga users nila, ang kailangan lang ay maging active dahil may mga bagong task na hindi inaanunsyo. Isa rin sa rason kung bakit masasabi ko na maganda ito ay dahil konti lang ang makakatanggap ng rewards. Sa 72m na participants ay nasa around 10M nalang ang eligible dahil according sa kanilang channel more than 63m na yung eliminated. Kaya sa mga eligible na users, congrats nalang sa inyo.
Paano ba maging eligible sa PAWS? Meron kasi ko nyan pero hindi ko ginagalaw yung task araw araw. Para kasing waste of time na kasi wala na kasi silang uniqueness tulad ng Not at Dogs.
Yung dogs naman wala naman masyadong task at halos lahat naman eligible kung ito may eligibility requirements para matutulak talaga yung mga kasali gumawa ng task.
Pero kahit ganun pa man libre ito.
Madali lang, kailangan mo lang makumpleto yung apat na task. Mandatory kasi ito.
1. Verify on website
2. Complete 30 quest
3. Save from Grinch
4. Activity check (available soon)
Sa ngayon tatlo pa lang ang available kaya kung makumpleto mo yan, eligible ka sa rewards. Makikita mo rin dun sa claim tab kung eligible ka ba kasi nakalagay mismo dun ang "Congratulations".
Ngayon kabayan, kung hindi nakaabot ng 30 quest yung nakumpleto mo huwag mag-alala dahil maglalagay daw sila ng mga bagong quest para makahabol yung iba. Sana maging eligible kayo.